Paghahanap sa ‘missing sabungeros’ tuloy - PNP
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon upang matagpuan ang mga nawawalang sabungero at bigyan ng hustisya ang mga pamilya nito.
“The PNP remains steadfast in their search for the missing sabungeros as suspects in the case have been issued warrants of arrest,” ani PNP-PIO chief Col. Redrico Maranan
Kabilang sa missing sabungeros sina James E. Baccay, Marlon E. Baccay, Rondel F. Cristorum, Mark Joseph L. Velasco, John Claude Venson Inonog at Rowel Gomez na nawala sa Manila Arena sa Sta. Ana, Manila noong Jan. 13, 2022.
Dagdag ni Maranan, hindi nalilimutan ng PNP ang mga kaso na kanilang tinutukan. Sa katunayan, lahat ng paraan ay ginagawa ng PNP upang mas mabilis na makita ang mga sabungero.
Kamakailan, nagpalabas ng 15-page joint resolution ang Department of Justice (DOJ) na naglalahad na nakahanap ang state prosecutors ng probable cause para ma-indict ang anim na suspek sa six counts of kidnapping at serious illegal detention.
Kinilala ang mg suspek na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr.
Subalit, ibinasura ang reklamo laban kina Jonas A. Alingasa at Herolden Alonto dahil sa hindi sapat na ebidensya.
Ikinonsidera ng prosecutors ang testimonya ng witnesses at CCTV footages mula sa iba’t ibang barangay kung saan makikita ang “continuity of the forcible abduction.”
Hinihikayat naman ng SITG “Sabungero” ang sinumang may impormasyon hinggil sa kaso na tumulong sa imbestigasyon.
- Latest