^

Bansa

Delivery riders makikinabang sa national ID

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

.MANILA, Philippines — Suportado ng Grab Philippines ang pagsusumikap ng pamahalaan na mabigyan ng PhilSys IDs (PhilIDs) ang mga delivery riders para magamit ng mga ito ang maraming benepisyo ng pagkakaroon ng national ID.

Sinabi ni Grab Philippines Director for Public Affairs Atty. Sherielysse Bonifacio na ginagawa ng kanilang kompanya ang bahagi nito na makatulong sa national ID registration drive ng gobyerno kasabay ng pagkabatid sa magiging pakinabang nito sa kanilang mga delivery-partners.

“Bukod sa magagamit ng aming mga delivery-partners ang PhilIDs bilang identification sa kanilang iba’t ibang transaksyon, mas magiging madali na rin para sa kanila na makakuha ng mga serbisyo at benepisyo mula sa gobyerno,” anang Grab executive.

Ginawa ng Grab ­Philippines ang pahayag nito kasabay ng paglu­lunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Statistics Authority (PSA) ng “Institutional PhilSys Registration of Delivery-Riders” ngayong linggo.

Ayon naman kay Deputy National Statistician Fred S. Sollesta, layon ng proyekto nila ng DTI na maisaprayoridad ang mga benepisyaryong higit na nangangailangan ng mga panlipunang serbisyo ng pamahalaan, sang-ayon na rin sa misyon ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na malabanan ang kahirapan at maingat ang buhay ng mga Pilipino.

Ibinahagi naman ni DTI Asec. Mary Jean T. Pacheco na ang national ID system ay malaking parte ng kanilang plano para sa e-commerce ng Pilipinas ang national ID system, lalo’t maraming Pilipino sa kasalukuyan ang nagnenegosyo online.

Base sa huling datos, nakapagparehistro na para sa kanilang PhilIDs ang halos 78 milyong Pilipino o 84% ng kabuuang target ng PSA.

PHILSYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with