^

Bansa

Malaking job fair sa SMX Manila para sa mga jobseekers!

Pilipino Star Ngayon
Malaking job fair sa SMX Manila para sa mga jobseekers!
Naghihintay ang bagong trabaho sa ‘yo! Bumisita sa SMX Manila sa May 1 para sa isang malaking Job Fair sa bansa in partnership with DOLE.
Press Release

Ang SM Supermalls, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), ay magkakaron ng pinakamalaking job fair sa bansa!

Simula pa noong taong 2008, ang SM Supermalls ay nagsasagawa na ng mga job fairs sa iba’t ibang SM Malls sa Pilipinas, at sa Labor Day, May 1, ang pinakamalaking Job Fair  ay gaganapin sa SMX Convention Center sa Manila.

Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma with SM Supermalls SVP for Operations Bien Mateo during the MOA signing.

Ang SM Supermalls, pagkatapos ng May 1 event, ay mananatiling bukas para sa mga darating pang Job Fairs sa bansa.

Ang mga job fairs na ito ay naglalayong magbigay ng mga opportunities para sa mga jobseekers, pati na rin para suportahan ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mabawasan ang unemployment sa bansa.

Bukas ang mga job fairs sa lahat, kabilang ang mga newly graduates, OFWs at ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Sa araw ng Job Fair, ang mga naghahanap ng trabaho ay maaaring magsubmit ng kanilang mga resume at magkaron ng mga initial interviews sa mga kumpanya.

Ang ilan sa mga companies na ito ay nagsasagawa rin ng mga on-the-spot hirings kung saan ang mga qualified applicants ay maaaring makatanggap ng job offers sa mismong araw.

(From left) BLE Director Patrick Patriwirawan Jr., Labor and Employment Assistant Secretary Lennard Serrano, Assistant Secretary Paul Vincent Añover, Undersecretary Carmela Torres, Bien Mateo, Secretary Bienvenido Laguesma, SM Supermalls VP for HR Cheryll Agsaoay, SVP for Marketing Joaquin San Agustin, SAVP for Mall Operations Queenie Rodulfo and AVP for HR Joseph Rodriguez.
Photo Release

Bilang itinalagang official venue ng DOLE para sa Job Fairs nationwide sa May 1, ang iba pang Job Fairs ay magaganap sa SM City Grand Central, SM Southmall, SM City BF Parañaque, SM City Sucat, SM City Baguio, SM City Marilao, SM City Pampanga, SM City Olongapo Central, SM City Tuguegarao, SM City Cabanatuan, SM CDO Downtown Premier, SM City Davao at SM City San Jose del Monte.

Sa mga nagdaang taon, ang mga LGU at PESO ay nagsasagawa din ng mg Job Fairs online habang kasagsagan ng pandemya.

Ngayon taon, magsasagawa sila ng Job Fairs sa SM City Marikina and SM City Lipa (May 1) under LGU, at SM City Roxas (April 25 and May 1), SM City Bacolod (May 5 and 6), SM City Princesa (May 1), SM Cherry Antipolo (May 12) at SM City Novaliches (May 1) under PESO.

 

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa iyong pangarap na trabaho! Bisitahin ang pinakamalapit na SM Mall. Para sa karagdagang impormasyon at mga updates, visit www.smsupermalls.com or i-follow ang @SMSupermalls sa social media.

 

 

 

JOB FAIRS

MAY 1

SM MALLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with