^

Bansa

Shortlist sa bagong PNP chief isinumite na kay Pangulong Marcos Jr.

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Shortlist sa bagong PNP chief isinumite na kay Pangulong Marcos Jr.
President Ferdinand Marcos Jr. met with overseas Filipino workers based in Singapore during his state visit on September 6, 2022.
Facebook / Bongbong Marcos

MANILA, Philippines —  Hawak na ng Malacañang ang shortlist para sa susunod na hepe ng Philippine National Police kapalit ng nagretirong si Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ayon kay Azurin, naisumite na ng National Police Commission (Napolcom) ang pangalan ng mga posibleng pumalit sa kanya subalit wala siyang  ideya kung sinu-sino ang mga ito.

Ngayong araw ang kaarawan at pagreretiro ni  Azurin sa pagseserbisyo sa Pambansang  Pulisya.

Nasa kamay na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kung sino ang itatalaga nito upang ipagpatuloy ang mga proyekto at kampanya ng PNP para sa peace and order ng bansa.

Ngayong umaga gaganapin ang change-of-command and retirement honors ceremony para kay Azurin sa Camp Crame na dadaluhan ni Marcos.==

Sinabi ni Azurin na karangalan niya na pagkatiwalaan ni Pangulong Marcos upang  pamunuan ang nasa 220,000 pulis.

Aniya, hindi siya nagsisisi bagama’t samut sari ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ng  PNP. Ang mahalaga aniya ay maitama ang lahat ng mga pagkakamali at makapagsimula ng  pagbabago.

Handa pa rin siyang manatili bilang miyembro ng 5 man committee bunsod ng usapin sa illegal drug trade.

RODOLFO AZURIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with