^

Bansa

580 preso sabay-sabay pinalaya, karamihan dahil sa 'good behavior'

Philstar.com
580 preso sabay-sabay pinalaya, karamihan dahil sa 'good behavior'
Executive Clemency: Elderly inmates are seen holding their certificates of commutation of sentence during a ceremonial turnover at the New Bilibid Prison in Muntinlupa City in this photo taken on March 7, 2017. Edd Gumban
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Daan-daang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya ngayong araw ng gobyerno, ito habang itinutulak ng Department of Justice ang pagpapaluwag ng mga kulungan.

Pinangunahan nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Bureau of Corrections director general Gregorio Catapang Jr. ang nasabing seremonyas sa New Bilibid Prison sa Lungsod ng Muntinlupa, Huwebes.

"Out of [580] Persons Deprived of Liberty (PDLs), 315 will be out on parole due to good [conduct] time conduct allowance (GCTA) or good behavior, 65 have been acquitted of the charges against them, 7 granted probation, 1 due to habeas corpus while the rest have served their sentences," wika ng BuCor sa isang pahayag kanina.

"They will be issued certificate of discharge from prison , grooming kit, gratuity, and transportation allowance."

Kasama sa mga eligible mapalaya ang mga sumusunod:

  • 75 mula sa maximum security compound, 122 mula sa medium security compound, 12 mula sa minimum security compound at dalawa mula Reception and Diagnostic Center ng National Bilibid Prison
  • 20 mula sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte
  • 67 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City
  • 16 mula Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro
  • 24 mula Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan
  • 40 mula Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City
  • 154 mula Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte

"[T]he activity today proves that there is always hope for our PDLs and that they can still be worthy members of our society by using the skills and training they learned inside to have a better future for themselves and their families," ani Catapang.

GCTA? Ano yun?

Sa ilalim ng Republic Act 10592 o GCTA Law, binabawasan ang sintensyang ipinapataw sa isang preso sa kada isang buwan na maganda ang kanilang inaasal "sa loob."

Gayunpaman, hindi makikinabang sa GCTA ang mga PDL na inirereklamo ng karumal-dumal na krimen, mga pumupuga, paulit-ulit ang kaso at habitual delinquents.

Pebrero lang nang ibaba ng DOJ ang piyansang kinakailangang bayaran ng mga PDLs na mahihirap upang makakuha ng pansamantalang kalayaan.

Marso lang nang palayain sa pangunguna ng BuCor ang nasa 401 inmates, bagay na nagpaluwag sa pitong kulungan at penal farms sa buong bansa. 

Noong parehong buwan lang nang sabihin ng DOJ na sinimulan na nilang i-withdraw ang mga kasong hinahawakan ng mga first-level courts lalo na kung "walang katiyakan na magkakaroon ng conviction."

Isa ang mga reporma sa correctional system sa mga "cornerstone" ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ani Remulla. Malaking bahagi nito ang matinding siksikan sa loob ng mga presuhan. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with