^

Bansa

Marcos ipapatawag ang Chinese ambassador

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kakausapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa naging pahayag ng huli na hindi dapat na makialam ang Pilipinas sa isinusulong na Taiwan independence kung pinangangalagaan nito ang kapakanan ng 150,000 overseas Filipino workers doon.

Matatandaan na tinutulan ng China ang pagpapaigting sa ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ng pagtatayo ng apat na base militar na nasa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon kay Marcos, maaaring nagkaroon ng “lost in translation” lalo pa at hindi naman English ang pangunahing lengguwahe ni Huang.

Dahil dito kaya interesado umano ang Pangulo na marinig ang paliwanag ni Huang.

Nauna na rin sinabi ni Huang na misquoted siya ng media nang lumabas na mistulang pinagbabantaan ang Pilipinas.

Inamin naman ni Marcos na nagulat siya sa naging pahayag ni Huang.

“I believe, I interpreted it as him trying to say that the PH should not provoke or intensify the tensions because it will impact badly on the Filipinos there. That’s how I take it and I will be talking to the ambassador soon and I’m sure he will be very anxious to give his own interpretation of what he was trying to say,” ayon pa  sa Pangulo.

HUANG XILIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with