^

Bansa

Grupo kinastigo 'pang-iismol' ng AFP sa epekto ng Balikatan sa pangingisda

Philstar.com
Grupo kinastigo 'pang-iismol' ng AFP sa epekto ng Balikatan sa pangingisda
Philippine and American troops attend the opening ceremonies of this year's Balikatan exercise at the Tejeros Hall in Camp Aguinaldo, Quezon City on Tuesday, April 11.
Philstar.com/Martin Ramos

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng progresibong grupo ng mga mangingisda ang Armed Forces of the Philippines na hindi sila dapat gawing "collateral damage" sa ikinakasang military exercises ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa probinsya — 'di kasi sila makakapalaot kaugnay nito.

Martes lang nang sabihin ni Col. Michael Logico, tagapagsalita ng 2023 Balikatan Exercises, na "small inconvenience" lang para sa mga mangingisda ang "no-sail zone" policy sa ilang bayan sa Zambales.

Giit kasi ng militar, mas higit na positibo ang magiging epekto ng nasabing "war games" sa pambansang seguridad ng bansa. Apektado ngayon ng naturang polisiya ang San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan, and Botolan.

"Una sa lahat, hindi katumbas ng kung anumang benepisyo ng isinasagawang ehersisyong militar ang kagyat at kasalukuyang epekto ng isang araw na hindi pagpalaot sa mga mangingisda at kanilang umaasang pamilya," wika ni PAMALAKAYA vice chair for Luzon na si Bobby Roldan, na siyang nangingisda sa Masinloc, Zambales.

"Naninindigan rin kaming walang mabuting maidudulot sa pambansang seguridad ang Balikatan, bagkus ay magiging banta pa ito dahil sa katangian nitong mapang-udyok. Lehitimo ang pangamba ng maraming sektor at patriyotikong indibidwal na maipit ang Pilipinas sa girian ng mga makapangyarihang U.S. at China."

Matatandaang pormal na sinimulan ang Balikatan 2023 nitong ika-11 ng Abril na siyang lalahukan ng 17,600 sundalong Amerikano at Pilipino. 12,000 sa kanila ay tropang Kano. Ito ang sinasabing pinakamalaking joint military exercise sa kasaysayan ng bansa.

Kabilang sa mga planong gawin sa nasabing war games ay ang pag-target sa isang floating vessel sa gitna ng isang "littoral live fire exercise." Dito, palulubugin ng mga kalahok ang isang lumang Philippine Navy ship pagsapit ng ika-26 ng Abril, 12 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.

Matatandaang ilang beses nang sinasabi ng Estados Unidos na handa itong depensahan ang Pilipinas oras na magkaroon ng armadong pag-atake, bagay na pinaghahandaan ng ilan lalo na't agresibo ang Tsina sa pang-aagaw ng mga teritoryo at soberanyang karapatan sa West Philippine Sea. Sa kabila nito, hindi ito bumenta sa grupo nina Roldan.

"Tatlumpu’t walong taon nang isinasagawa ang Balikatan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos subalit nananatiling mahina ang kakayahan ng bansa sa usapin ng ‘external at territorial defense,'" sabi ng PAMALAKAYA official.

Una nang plinano ang pagpapaalis sa mga mangingisdang Ilokano kaugnay ng Balikan Exercises bago inilipat ang military exercises malapit sa Zambales. — James Relativo

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BALIKATAN EXERCISES

FISHERFOLK

PAMALAKAYA

UNITED STATES OF AMERICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with