^

Bansa

2 kabataan inaresto nang magprotesta vs Balikatan, EDCA sa US Embassy — PNP

James Relativo - Philstar.com
2 kabataan inaresto nang magprotesta vs Balikatan, EDCA sa US Embassy — PNP
Litrato ng protesta sa harapan ng US Embassy, ika-11 ng Abril, 2023
Litrato mula sa Kalasag, opisyal na publikasyon ng College of Arts and Letters, UP Diliman

MANILA, Philippines — Arestado ang ilang progresibong kabataan-estudyante sa Maynila matapos magkasa ng "iglap protesta" sa harapan ng Embahada ng Estados Unidos kasabay pagsisimula ng 2023 Balikatan Exercises, ayon sa ulat ng Philippine National Police.

Bandang 4:50 a.m. nang magtungo sa Roxas Blvd. ang mga kabataan sa pangunguna ng League of Filipino Students, Martes, para iprotesta ang taunang war games na lalahukan ng 17,600 sundalong Pinoy at Amerikano — ang pinakamalaki sa kasaysayan.

Iprinoprotesta rin nila ang pagtatayo ng panibagong "de facto" military base ng Amerika sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Kasama sa mga naaresto sina:

  • John Gabriel Magtibay (22-anyos)
  • isang 23-anyos na babae mula Las Piñas City

Haharap ang dalawa sa diumano'y paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985, maliban pa diumano sa vandalism. Sa ilalim ng BP 880, kinakailangan munang kumuha ng "permit" bago magkasa ng protesta.

"Initial investigation conducted disclosed that based on the information gathered, in a peaceful daytime along the aforementioned place of occurence, when the above named suspects and their cohorts, members of Anak Bayan, suddenly appeared infront of US Embassy, Roxas boulevard, Ermita, Manila and intentionally threw a paint at the emblem of the said embassy and then scampered away in different direction," ayon sa ulat kanina.

"At that juncture, elements of J. Bocobo PCP compose[d] of PCpl Sherwin Tudio and PCpl Mark Kevin Tanga who were posted thereat hurriedly chased the fleeing group and apprehended the above-name suspect, hence the arrest."

Hiningian sina Magtibay ng mga dokumento pagdating sa protesta ngunit hindi raw nakapagpresenta nito. Patitiyak ng MPD, agad naman daw silang "inabisuhan patungkol sa kanilang mga karapatan at kung ano ang kanilang nalabag" sa wikang kanilang maiintindihan.

Maaaring makulong ng isa hanggang anim na buwan ang mga nabanggit kaugnay ng BP 880 bilang mga "lider" at "organizer." Sa ilalim ng batas, hindi pwedeng parusahan ang mga dumalo lang sa mapayapang rally.

'6 ang hinuli, walang sinabi anong nalabag'

Ayon kay Magtibay, na nakapag-tweet pa kaninang madaling araw, anim silang inaresto at hindi lang dalawa. Taliwas sa sinabi ng MPD, hindi raw inilinaw sa kanila kung bakit sila inaresto.

"Anim kaming andito ngayon sa Ermita Police Station5, nagmamartsa na kami paalis at ginitgit kami ng police mobile hanggang sa mahuli na ako at isa pang kasama," wika niya.

"May apat na pumuntang paralegal pero kinuha rin ng police, hanggang ngayon wala rin paliwanag bakit kami hinuli."

Si Magtibay ay kilalang lider aktibista at chairperson ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND-UP). Nag-aaral siya ngayon ng BA Film sa College of Mass Communication sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman at miyembro ng UP Cineastes’ Studio.

Bagama't pinarurusahan ng BP 880 ang mga protestang walang permit, matagal na itong kinekwestyon ng mga progresibo at tinitignan bilang sagka sa malayang pamamahayag.

#FreeGabrielMagtibay

Kaliwa't kanan ngayon ang pagkundena ngayon sa nangyaring hulihan, dahilan para magsalita na ang mga konseho ng mag-aaral, organisasyon, atbp.

"Mariing kinukondena ng UP College of Mass Communication Student Council ang ginawang panghahablot at panghuhuli sa Iskolar ng Bayan at Alagad ng Midya na mapayapa at makatarungan tinututulan ang imperyalistang pakana ng US sa bansa," ayon sa UP CMC Student Council.

"Ang insidenteng ito ay walang iba kundi pagtapak sa karapatan ng kabataan na mag-protesta nang mapayapa at pag-intimidate sa mga aktibista."

 

'

 

Ayon kay Louise Espina, tagapangulo ng LFS-UPD, walang mali sa pagkilos kanina lalo na;t pagregistro lamang daw ito ng ng tindig ng kabataan laban sa imperyalismo (pagkontrol ng dayuhan sa ekonomiya, kultura at pulitika ng bansa), bagay na "pananamantala ng Estados Unidos sa bansa sa pagsusulong ng kanilang interes-militar."

"Walang maidudulot na maganda para sa Pilipino ang patuloy na pagyukod ng mga nasa Malacanang sa kanilang mga dayuhang amo," ani Espina.

Kamakailan lang nang tukuyin ang apat na dagdag na EDCA sites sa Pilipinas, bagay na nagbibigay kapangyarihan sa mga Amerikanong sundalo na magtayo ng mga pasilidad sa loob ng base militar ng Pilipinas. Sa kabila nito, iginigiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi raw ito gagamitin para sa mga aksyong pang-atake.

Ayon sa Defend UP Network, tiyak na magbibigay lang daw ito ng mas malaki pang sabayang pagsasanay, mas maraming base-militar at mas "mahigpit na kontrol ng Estados Unidos [sa Pilipinas]" sa mga susunod na taon.

"Mas nagiit pa ni Magtibay ang soberanya ng bansa kaysa sa puwersa ng estadong nanghuli sa kanya," ani Defend UP Convenor Neo Aison, na siyang nananawagan ng agarang paglaya ni Magtibay.

"Malinaw kung kanino ang interes na pinaglilingkuran ni Mags at kanino ang sa pulis."

BALIKATAN EXERCISES

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

MANILA POLICE DISTRICT

PROTEST

US EMBASSY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with