^

Bansa

12 lugar Signal no. 1 sa pagbilis ni 'Amang' patungong Catanduanes

James Relativo - Philstar.com
12 lugar Signal no. 1 sa pagbilis ni 'Amang' patungong Catanduanes
Satellite image ng bagyong "Amang" mula sa kalawakan
RAMMB

MANILA, Philippines (Updated 1:45 p.m.) — Lalo pang bumilis ang bagong "Amang" habang kumikilos ito pakanluran palapit sa baybayin ng Catanduanes sa Rehiyon ng Bikol, ayon sa pinakasariwang ulat ng state weather bureau.

Bandang 11 a.m. nang mamataan ang sentro ng Tropical Depression Amang 270 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes ngayong Martes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Martes ng umaga.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
  • Pagkilos: pakanluran
  • Bilis: 30 kilometro kada oras

Dahil diyan, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Catanduanes
  • Sorsogon
  • Albay
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan, Pagbilao, City of Tayabas) kasama ang Pollilo Islands
  • Marinduque
  • Masbate kasama ang Ticao Island at Burias Island
  • Eastern Samar
  • Northern Samar
  • Samar
  • Biliran

Ang mga lugar na nasa Signal No. 1 ay maaaring makaranas ng malalakas na hangin (strong breeze to near gale strength), na siyang maaaring magdulot ng "minimal to minor threat to life and property," ayon sa state weather bureau. Bandang 2 a.m. kanina nang tuluyang maging bagyo ang noo'y LPA.

Posibleng itaas din ang Signal No. 1 sa iba pang bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region sa mga susunod na weather bulletin.

"Inaasahan natin ngayong umaga hanggang mamayang gabi itong mga intense na pag-ulan, aabutin ng 100-200 millimeters of rain dito sa Northern Samar pati na rin sa northern portion ng Samar pati na rin ng Eastern Samar," ani DOST-PAGASA weather forecaster Veronica Torres sa isang press briefing.

"Heavy rains naman, 50-100 millimeters sa may nalalabing bahagi ng Samar provinces."

'Landfall sa Bikol o Samar'

Sa kasalukuyang track forecast, nakikitang mananatiling offshore sa mga katubigan ng silangang Luzon ang bagyo sa susunod na tatlong araw. Gayunpaman, may posibilidad na sumalpok ito sa kalupaan.

Hindi pa kasi inisasantabi ang isang landfall scenario sa Bicol peninsula o hilagang bahagi ng Samar island lalo na sa susunod na 36 oras.

Nakikitang mananatiling isang tropical depression ang bagyo sa kabuuan ng forecast period, ngunit maaaring humina uli pabalik sa pagiging LPA pagsapit ng Huwebes o Biyernes.

AMANG

BICOL

CATANDUANES

LANDFALL

PAGASA

SAMAR

SIGNAL NO. 1

TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with