^

Bansa

Pangulong Marcos pinarangalan ang WW II veterans

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinarangalan ang WW II veterans
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aalay ng bulaklak sa Dambana ng Kagitingan bilang pagpupugay sa ika-81 Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa seremonya kahapon sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes ang mga bayani ng World War II (WWII) ng bansa, kasabay ang hiling sa mga Pilipino na magtiwala na magiging maganda ang bukas habang hinaharap ang araw-araw na hamon ng buhay.

Sa kanyang talumpati sa paggunita sa ika-81 Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan, sinabi ni Marcos na mu­ling ipinakita ng mga Pilipino ang kakayahan na harapin ang pinakahuling worldwide crisis at ang magbigay ng serbisyo sa iba.

Ipinahayag din ni Marcos ang kanyang pasasalamat sa mga bayaning Pilipino na “nakipaglaban at namatay” sa Bataan at naipakita aniya ng mga ito ang paraan kung paano maging pinakamahusay na mamamayan ng Republika.

Ang kabayanihang iyon, ani Marcos, ay makikita sa mga Filipino war veterans na nagbigay ng pag-asa sa bawat bata na magkaroon ng maliwanag na bukas.

Inihayag din ni Marcos na habang ang bawat Pilipino ay nagtatrabaho at nagsasakripisyo para mapakain ang kanilang mga pamilya, makatulong sa kanilang mga komunidad at makapaglingkod sa kanilang bansa, dapat aniyang ipagdiwang ang mga nasabing gawain upang maging buhay ang diwa ng pagiging makabayan.

KAGITINGAN

WORLD WAR II

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with