^

Bansa

Tingog, tuluy-tuloy ang pagtulong sa nangangailangan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lingid sa kaalaman ng karamihan, tuluy-tuloy ang ginagawang pagtulong ng tanggapan ng Tingog Party-list, sa pangunguna ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez, sa mga kababayan nating nanga­ngailangan.

Katuwang ang administrasyong Marcos, walang sawang nagpapaabot ng tulong si Cong. Romualdez, maybahay ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa mga mamamayan ng bansa na naapektuhan ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi sila ng tig-P3,000 na cash assistance sa may 600 oil spill victims sa Oriental Mindoro.

Bukod sa tulong sa oil spill sa Mindoro, ilang kalamidad na rin tulad ng mga pagbaha sa Visayas at Mindanao at mga malalaking sunog ang inabutan ng ayuda ng Tingog partylist.

“We just want to help those who are in need. Sabihin na natin na we are just sharing our blessings”, ayon kay Cong. Romualdez.

Nagkaloob rin ang Ti­ng­og, sa pakikipagtulungan sa Office of the Speaker, ng $100,000 financial assistance sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey ilang buwan na ang nakakaraan.

Bukod dito, namaha­gi rin sila ng tulong pinansiyal sa may 1,653 pamil­ya sa Davao de Oro, na naapektuhan naman nang pag­lindol doon kamakailan.

PARTY LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with