^

Bansa

Marcos pinuri ni Bong Go sa pagpapatuloy ng Duterte legacy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpapatuloy at pagpapalawak pa ng legasiya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, partikular sa programang Build, Build, Build tungo sa pag-unlad ng bansa.

“Let us continue to capitalize on the gains of the Build, Build, Build program of the previous administration as this can also be used to sustain and to complement the ‘Build Better More’ program of President Ferdinand Marcos, Jr., to ensure that no one will be left behind in the road towards recovery,” ani Go.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Pangulong nitong Marso 28, nagpasalamat si ­Pangulong Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang video message, sa lahat ng sakripisyong ginawa ni Duterte para sa bansa at nangako siyang ipagpapatuloy ang mga legasiya o programa ng nakaraang administrasyon na naging makabuluhan at nakatulong sa mga Pilipino.

Kamakailan, inimbitahan si Go sa inagurasyon ng pinakamalaking port passenger terminal building (PTB) sa bansa sa Port of Calapan City sa Oriental Mindoro.

Binigyang-diin ni Go na ang Build, Build, Build program ay inilunsad ng nakaraang administrasyon sa layong mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang proyektong pang-imprastruktura, tulad ng mga paliparan, daungan, highway, tulay, at iba pa.

“Gusto ko pong pasalamatan ang ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos (Jr.) sa pagpapatuloy po ng mga proyekto through his Build Better More (program). Hindi po ito matatapos kung hindi po sa suporta ng ating mahal na ­Pangulong Bongbong Marcos. Maraming salamat po President Marcos sa pagpapatuloy po ng mga magagandang proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte,” sabi ni Go sa kanyang speech sa inagurasyon.

Pinuri rin ng senador ang dating Pangulo sa paglalatag ng pundasyon para sa pangmatagalang programa sa imprastraktura at sa dedikasyong mabigyan ng mas kompor­tableng buhay ang Filipino.

DUTERTE LEGACY

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with