^

Bansa

'Heat index' sa Catarman umabot sa 46°C, ika-2 pinakamainit ngayong Marso 2023

James Relativo - Philstar.com
'Heat index' sa Catarman umabot sa 46°C, ika-2 pinakamainit ngayong Marso 2023
File photo ng lalaking nagbubuhos ng tubig sa sarili sa gitna ng tindi ng init ng panahon
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Umabot sa 46°C ang heat index sa Catarman, Northern Samar nitong Huwebes, bagay na siyang ikalawang pinakamataas ngayong nagsimula na ang tag-init habang Marso 2023.

Sabi ng PAGASA, nangyari ito bandang 1 p.m. sa nasabing lugar. Pasok ito sa kanilang "danger" category (pumapatak mula 42°C hanggang 51°C) pagdating sa kanilang heat index chart.

"Sa kasalukuyan ay patuloy na umiiral itong Easterlies o 'yung mainit at maalinsangang hangin na nagmumula sa Karagatang Pasipiko dito sa may silangang bahagi ng Visayas at ng Mindanao," ani DOST-PAGASA weather forecaster Patrick del Mundo, Biyernes.

"At dahil pa rin dito, sa buong kapuluan ay magiging maaliwalas pa rin ang panahon at may mga tiyansa lamang ng mga pulo-pulong mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog especially sa hapon at sa gabi. May kainitan pa rin at medyo maalinsangan pagdating ng tanghali at ng hapon.

Tuwing nasa "danger" category ang heat index sa chart, mataas ang posibilidad na makaranas ang mga tao ng heat cramps at heat exhaustion. Kung tatagal sa exposure ng init, maaaring maranasan ang nakamamatay na heat stroke.

Narito ang top 5 ng PAGASA pagdating sa observed heat index kahapon:

  • Catarman, Northern Samar: 46°C
  • Roxas City, Capiz: 43°C
  • Cotabato City, Maguindanao: 42°C
  • Tacloban City, Leyte: 42°C
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 42°C

Tumutukoy ang heat index sa "init na nararamdaman ng katawan ng tao." Upang matukoy ito, tinitignan hindi lang ang temperatura ng hangin ngunit pati na ang alinsangan, wika ng state weather bureau.

"Ang init na nararamdaman ng katawan ng tao (apparent temperature) ay hindi akmang nasusukat gamit lamang ang temperatura ng hangin (air temperature)," sabi ng mga meteorologists ng gobyerno.

"Ito ay mas tamang naitataya kung isasama ang datos ng alinsa ngan o halumigmig (relative humidity). Ang impormasyon na ito ay tinatawag na Heat Index at ito ay matutukoy gamit ang Heat Index Chart."

Pinakamataas pa rin ngayong Marso 2023 ang heat index (47°C) na naitala sa Butuan City, Agusan del Norte at San Jose, Occidental Mindoro noong nakaraang linggo.

Kung temperatura at temperatura lang ang titignan, lumalabas na Clark, pampanga ang pinakamainit kahapon na nakapagtala ng 36.6°C.

Una nang nagbabala ang Department of Health pagdating sa banta ng "heat stress" at "heat stroke" ngayong mainit ang panahon, ito habang nagbibigay ng mga mungkahi kung paano ito maiiwasan at maaagapan.

Miyerkules lang nang ilahad ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Don Artes ang pagpapatupad nila ng 30-minutong "heat stroke break" para sa kanilang mga traffic enforcers at street sweepers na siyang nagseserbisyo sa Kamaynilaan upang maiwasan ang mga negatibong epekto sa kalusugan ng tindi ng init. 

CATARMAN

DRY SEASON

HEAT INDEX

NORTHERN SAMAR

PAGASA

SUMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with