^

Bansa

Ex-Governor Teves makikipagtulungan sa nahukay na armas, pampasabog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves na handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad sa imbestigasyon sa mga nakuhang mga matataas na kalibre ng baril at pampasabog sa kanyang sugar mill compound sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Ang paniniyak ay ginawa ni Teves upang hindi na madamay pa ang sugar mill kung saan mayroon siya umanong 10 porsiyentong share.

Giit ni Teves, handa niyang sagutin ang mga tanong at imbestigasyon upang hindi malagay sa peligro ang sugar company.

Ang HDJ Bayawan Agri-Venture Corp. sa Tolong compound sa Barangay Caranoche, Santa Catalina, Negros Oriental ang subject ng search warrant na ipinatupad noon pang Biyernes, Marso 24.

Iba’t ibang matataas na baril, bala, mga pampasabog at cash na P19 milyon ang nakuha ng awtoridad. Hanggang sa ngayon ay patuloy ang paghuhukay sa nasabing compound.

Ayon kay Teves, nais din niyang malaman kung paano nagkaroon ng mga baril at pampasabog sa kanyang lupain.

Itinanggi ni Teves na kanya ang mga nakuhang armas at sinabi nitong siya man ay biktima ng IED.

vuukle comment

PRYDE HENRY TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with