^

Bansa

30-minutong 'heat break' sa MMDA enforcers, street sweepers epektibo simula Abril

James Relativo - Philstar.com
30-minutong 'heat break' sa MMDA enforcers, street sweepers epektibo simula Abril
File photo ng ilang street sweepers sa gitna ng init ng kalsada
The STAR/Jesse Bustos, File

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng kalahating oras na "heat stroke break" ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kani-kanilang mga tauhan simula Sabado, ika-1 ng Abril, upang makaagapay sa tindi ng init ng araw sa mga nagbabagang kalsada.

Ito ang inilahad ni MMDA acting chairperson Don Artes, Miyerkules, matapos niyang pirmahan ang isang memorandum circular kontra sa posibilidad ng "heat exhaustion," "heat stroke" at "heat cramps" sa ngayong tag-init o hot dry season.

"This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities," ani Artes sa isang pahayag.

"Their safety is of paramount importance."

Ipatutupad ang nasabing heat stroke break simula ika-1 ng Abril hanggang ika-31 ng Mayo. Sakop ng naturang utos ang mga on-duty traffic enforcers at street sweepers na papayagang umalis sa kanilang mga poste upang sumilong mula sa araw upang mapababa ang makapagpalamig.

Sinasabing aabot ng hanggang Mayo ang warm and dry season, na siyang nakaaapekto na sa ngayon sa marami.

"The heat stroke break shall be done alternately by those who are assigned in a particular area to maintain visibility of traffic enforcers and street sweepers and to ensure field operations are not hampered," paliwanag pa ni Artes.

Maaari naman daw magdawdaw ng 15-minuto pang break-time oras na umabot sa 40°C pataas ang heat index o "human discomfort index."

Heat stroke? Ano 'yun?

Ayon sa Department of Health (DOH), tumutukoy ang heat stroke sa tuwing nagkakaroon ng direktang negatibong epekto ang init sa mga organs ng tao na siyang nauuwi sa:

  • pagbilis ng tibok ng puso
  • hirap sa paghinga
  • pagkahimatay

Kung hindi maaagapan, maaari itong magdulot ng permanent disability o pagkamatay kung hindi agad malalapatan ng lunas, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

 

Sobrang init na panahon

Kahapon lang nang umabot sa 42°C ang pinakamataas na "maximum heat index" na naitala sa Pilipinas nitong Martes (Tacloban, Leyte). Umabot naman ito sa 40°C sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, Metro Manila kahapon bandang 2 p.m.

Sinusukat ng heat index ang ambag ng mataas na alinsangan sa abnormally high temperatures na siyang nagbababa sa kapasidad ng katawang palamigin ang sarili. 

Kung temperatura at temperatura lang ang titignan, pinakamainit ang panahon sa Subic, Zambales kahapon sa 36.3°C bandang 01:25 p.m.

Ika-23 lang ng Marso nang umabot sa 104 estudyante sa Gulod National High School - Mamatid Extension sa Cabuyao, Laguna ang isugod sa ospital dahil sa sobrang init ng panahon habang nagkakasa ng isang fire drill.

DEPARTMENT OF HEALTH

DRY SEASON

HEAT STROKE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with