^

Bansa

40K indigents, ­tumanggap ng P271.3 milyong tulong medikal sa PCSO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P271.3 milyon ang halaga ng tulong medikal na naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa halos 40,000 indigent patients sa bansa sa unang dalawang buwan ng taong 2023.

Ayon kay PCSO chairperson Junie Cua, ang naturang halaga ay naipagkaloob nila sa may kabuuang 39,725 indigents na may health-related problems mula Enero 9 hanggang Marso 3, sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program (MAP).

“Inaasahan natin na mas marami pa tayong matutulungan sa mga susunod na panahon,” ani Cua.

“Sang-ayon na rin po sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy po kaming nagsisikap upang mapaigting ang aming paglilingkod para mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan,” pagtiyak pa niya.

Nabatid na ang MAP ng PCSO ay isang partnership sa mga government at private hospitals, health facilities, medicine retailers, at iba pang partners.

Kabilang sa mga serbisyong sakop ng programa ay hospital confinement, erythropoietin (dialysis injection), chemotherapy drugs, specialty medicines, hemodialysis, laboratory (blood chemistry), diagnostic, at imaging procedures, at implant/medical devices.

Sa pamamagitan ng MAP, nakapagkaloob na ang PCSO ng mahigit sa P2 bilyong halaga ng direct medical assistance sa mahigit 255,000 beneficiaries noong 2022.

INDIGENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with