^

Bansa

37 taon: Kuwento ng PSN patuloy na humahaba

Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon
37 taon: Kuwento ng PSN patuloy na humahaba
Ma’am. Betty Go at MGB

MANILA, Philippines — Sino ang mag-aakala noong araw na aabot ngayon sa ika-37 taon ang Pilipino Star Ngayon na mababasa hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo rin? Hindi lang siya mababasa sa print edition kundi pati na rin online o sa internet at ibang uri ng makabagong teknolohiya.

Noong nagsisimula pa lamang ako bilang reporter ng Ang Pilipino Ngayon (naunang pangalan ng pahayagang ito na Pilipino Star Ngayon), nakakadama ako minsan ng pangmamaliit mula sa ilang mga tao tuwing nagkokober ako sa labas. Meron pa ngang kumakantiyaw sa halaga nitong piso. Nabibili lang kasi sa piso ang isang kopya noon ng APN nang simulan itong buksan ng dati nitong presidente at tagapagtatag na si Betty Go-Belmonte. Hangarin kasi ni Ma’m Betty Go na magkaroon ng disenteng diyaryo na abot-kaya ng bulsa ng masang Pilipino sa lengguwaheng mas naiintindihan nila.

Lumawak sa buong bansa ang sirkulasyon ng APN sa mga hulihan ng dekada 80 kahit naglipana ang maraming tabloid na umaastang pahayagan pero mga pornograpikong babasahin naman. Maraming bumilib pero marami rin ang nagdududa na tatagal ito.

Dumating ang unahan ng dekada ’90. Tulad ng ibang mga pahayagan, dumaan din sa mga krisis ang APN na kinalaunan ay tinawag na Pilipino Star Ngayon. Matindi kasi ang labanan dahil sa patuloy na pagkalat ng mga pornograpikong dyaryo. Merong mga pinanghihinaan ng loob pero hindi  si Ma’m Betty Go. Nakiagos lang siya sa mga nangyayari at pinanatiling matatag ang PSN. Sa editorial ng PSN, kung merong mga nawala ay may pumalit na bago pero may mga editor, reporter at ibang staff na nanatiling tapat at matiwala sa pahayagang ito. Nang pumanaw si Ma’m Betty Go, ipinagpatuloy at higit na pinaunlad ng anak niyang si Miguel G. Belmonte ang operasyon ng PSN.

Nakakagilalas ngang  isipin na 37 taon na ngayon ang PSN na hindi natinag sa anumang dumaang mga unos at pagsubok mula nang ito ay itatag ni Gng. Betty Go-Belmonte. Nagpatuloy siya sa pagyabong at paglilingkod sa mga mamamayan sa nagdaang tatlong dekada at patuloy pang lumalaki sa tulong ng mga mambabasang Pilipino, ng mga newspaper dealer, news vendor at mga advertiser.

Kasama ng katatagan ni Ma’m Betty Go sa kanyang pananalampataya ang katatagan sa pamamahala sa PSN. Isinasama rin niya sa kanyang pananampalataya ang kanyang mga empleyado. Isa nang naiwan niyang hindi malilimutang legasya iyong prayer meeting na, tuwing sasapit ang alas-3:00 o alas-4:00 ng hapon, tinitipon niya ang mga empleyado para mag-ukol ng panalangin sa Diyos.

Meron bang pangitain si Gng. Betty Go-Belmonte na tatagal nang ganitong mahabang panahon ang pahayagang binuo niya gabay ang pananampalataya at pananalig sa Diyos? Unang nakita sa buong kapuluan ang PSN noong Marso 17, 1986.

‘I’m sure my mom had wanted na tumagal ang dyaryo but never did we imagine na tatagal ng tatlong dekada at lalaki ng ganito. Its way from the late eighties na sinimulan niya ang Philippine Star at Pilipino Star,” paliwanag ni Mr. Miguel G. Belmonte sa isang lumang panayam. Siya ang kasalukuyang President at CEO na siya nang namahala sa operasyon ng pahayagan mula nang pumanaw ang kanyang ina noong 1994.

Sa naturang panayam, nabanggit namin kay Sir Miguel ang obserbasyon sa tatag ng kanyang prinsipyo sa pagtataguyod sa PSNgayon kahit noong wala pa itong gaanong mga advertisement.

“Maybe sa mga panahon na iyon … tulad ng Phil Star… pwedeng mangyari yon… back them puwede … kasi hindi pa ganoon kamahal ang papel,” paliwanag ni Sir Miguel. “But now I would say that it is has become very challenging, if not impossible. Yung tabloid puwedeng kumita sa cover price pero hindi naman natin pwedeng taasan nang taasan ang cover price kasi karamihan ng nagbabasa nito, masa. Yong iba dyan ay tight din ang budget e hindi naman ganyan kataas and dyaryo sa priority list.… siyempre yung iba dyan una pagkain, education, bahay so in this day and age, even for tabloid, we need some level of advertising para maging profitable… kung broadsheet ang pag-uusapan, we need a hundred percent advertising … kung tabloid … kailangan pa rin kahit papaano.”

Naitanong din namin kay Sir Miguel ang hinggil sa mga pananaw ng kanyang mommy sa hinaharap ng pahayagan noong nabubuhay pa ito. Sabi niya, “Back then… or ngayon? At that time… she died very young kasi… 60.. 7 or 8 years pa lang ang dyaryo…. 1994… i’m sure hindi niya pa nakita lahat ng gusto niyang ma-achieve…pero nakita naman niya na papunta na doon… at least iyong pinaka- challenging na part, which was to put up the paper, just to survive kasi maraming ka laban…na-accomplish iyon ng Pilipino Star ngayon… Naging stable ito although hindi pa naman lumaki … at least nakita niya na papunta na doon sa gusto niyang mangyari.”

Hinggil sa mga hamong kinaharap ng PSNgayon sa mga unang taon nito, para kay Sir Miguel, iyon ang pinakamalaking hamon dahil sa paglipana ng ibang mga tabloid.

“That was our big challenges  kasi  ang  uso sa tabloid noon was sexy …Tayo hindi tayo sexy so we had to compete na parang nakatali ang mga kamay natin kasi ang concept ni Mom before was broadsheet in a tabloid format when in fact if you ask me today, there is no such thing because tabloid is a different market from a broadsheet format. At that time ang hinahanap ng mga tabloid readers, mga sexy e hindi naman tayo pwedeng magganyan. The fact that we survived and we have become so big natalo pa natin ang mga kalaban natin na ganyan that’s a big credit to what we have accomplished.”

Sa mga katangian ni Mrs. Betty Belmonte na naging kanyang inspirasyon, sabi pa ni Sir Miguel, “My mom entrusts her fate to the Lord. If you believe na kahit anong challenges ang mahaharap natin, if you believe … if you trust to the Lord… Iyon ‘yong napahanga talaga ako kasi hindi iyon madali because you really need to believe. Kung minsan kapag hirap na hirap na kayo, it is not easy to keep your faith strong e, ‘di ba? That’s number one. Number two, mahal na mahal ni Mom ang mga empleyado to the point na the day before she died, ang bilin niya sa akin, alagaan ko ang mga tao.”

Malaki ang naging epekto kay Sir Miguel ng pagkawala ng kanyang ina. “Siyempre naman sobrang laki ng kawalan. We just motivated ourselves na this is her legacy so it’s my obligation as a son so we did our best to continue her legacy. Hindi natin masabi na we have copied her exactly kasi magkaibang tao din kami, di ba, but the best of our ability kung ano ‘yong pagkakaalam ko na gusto niyang mangyari. We tried our best na doon ang direksyon na ni- lead din natin ang kumpanya. Siyempre, hindi naman tayo santo ano, she was described kasi as a living saint e. Malayo tayo sa kanya sa bagay na iyan. But in terms of leading our company, we tried to imitate her management style. Iyong pera, iyong kita, hindi iyan ang number one, iyong welfare ng employees. I always try to continue that management style that is why in 30 years never tayong nag-lay off ng tao rito. Iyung mga naaalis dito, sila ang kusang umalis or may ginawa silang hindi tama pero iyong mga taong wala na mang kasalanan, nag- tatrabaho naman, hindi naman retirable. Wala tayong pinapaalis.”

Hinggil sa pakikiharap noong mga unang taon ng PSNgayon ni Mrs. Betty Belmonte sa mga newspaper dealer at vendors, sabi ni Sir Mirguel, “We had no problem with that because it was her-- just an appeal to help us. Kasi nga in the beginning mahirap kasi nga as I said madaling ibenta ang may sexy. Nung hindi na uso ‘yang mga sexy-sexy na ‘yan, doon na tayo umangat din.”

Samantala, sa pagsapit ng digital media o social media, sinabi ni Sir Miguel na walang ibang mapapamilian kundi maging bahagi rin nito.

“Dapat meron din tayong social media presence,” paliwanag niya. Dapat may presence ang Pilipino Star Ngayon in that world. PhilStar.com very popular naman, it’s one of the top news websites in the Philippines. Kasama ang growth ng Pilipino Star ngayon doon sa growth ng PhilStar.com. In fact, dun sa PhilStar.com. ang most visited section is the Pilipino Star Ngayon entertainment section. Even in the digital world, yung presence natin e nararamdaman ko, nandun tayo. And we have to develop that some more. Luckily, we still have a very big circulation sa print version natin e. We’re still very strong. The others, pawala na. Wala na sila. In fact if you talk to the dealers… may publisher na nagsabi sa akin, kayo na lang ang hindi nag-iba sa pagpasok ng internet. Lahat kami apektado. Iyong iba pawala na. Kayo sobrang tatag. If you talk to the suppliers of news prints, bilib na bilib kasi iyong consumption natin nandun malalakas noon, nagbawas na ng gamit, tayo, nandun pa rin tayo so we re doing well. In fact, I would say, we’re doing better than everybody else in our industry.”

“Not just that,” pahabol niya. “Tingnan na lang iyong tax na binabayaran natin sa gobyerno as tax, sobrang laki. Bigger than all other tabloids combined. Bigger, much bigger… siguro all tabloids combined multiplied ten times. Ganyan ang binabayaran natin so you can see that we are doing our share to help our country in that aspect. We are paying the correct taxes. I am not saying na ‘yong iba baka nagdadaya I do not know. Basta sila hindi sila nagdadaya ng anywhere close to us. Anybody who doubts what I am saying now or thinks nambobola lang you can check with the SEC na totoo ang sinasabi ko.

“Kasi that’s her vision,” patungkol niya sa kanyang mommy. “Siya ang nagsimula niyan … against all odds. Without her, walang Pilipino Star Ngayon. Without Betty Go-Belmonte, there is no Pilipino Star Ngayon today.”

BETTY GO-BELMONTE

MIGUEL BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with