^

Bansa

Kanin, gulay at karne pangunahing pagkain na nasasayang

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kanin, gulay at karne pangunahing pagkain na nasasayang
Customers shop for pork meat in Marikina Public Market on March 14, 2023.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Tatlong pinaka nasa-sayang na mga pangunahing pagkain ng Pinoy ang kanin, gulay at karne.

Ayon ay Dr. Eva Go­yena, isang senior science research-specialist sa Department of Science and Technology-Food Nutrition Research Institute, kanin, isda at gulay ang malaking porsyento sa mga sinasayang na pagkain sa bansa.

Madalas umano ang plate waste sa rural households at sa mga pamilyang mas mataas ang status at food secure kumpara sa mahihirap na pamilya.

May nasasayang umano na mga karne at manok pero hindi kasing taas ng isda at gulay.

Kanin ang pinakamurang source of ­energy, pero ito umano ang pinakamalaking bahagi na nasasayang sa lower income group.

Ani Goyena, ang habit ng mga Pilipino na ayaw kumain ng kaning lamig at gusto bagong saing ay nagdudulot ng pagsasa­yang ng bigas.

Kalimitan umano ang natitirang pagkain ay bi­nibigay na lamang sa mga alagang hayop tulad ng aso at pusa.

Sa top 3 na pagkain na higit na nasasayang, ang gulay ang pinaka matindi ang pagkasa­yang dahil mabilis itong nasisira bukod sa hindi naman ugali ng iba lalo na ng mga kabataan na kumain ng gulay.

Dapat umano maturuan na magplano ang mga Pilipino na sakto lang ang lutuin at hindi sobra-sobra dahil matatapon lang ang mga ito.

Kailangang maturuan din umano ang mga Pinoy kung paano mag-recycle ng pagkain o lutuin ulit ang kanilang putahe.

GULAY

KARNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with