^

Bansa

Mga binagyo sa Iloilo, inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpapatuloy sa pag­bibigay ng tulong sa mga Pilipinong na­ngangailangan, partikular sa mga apektado ng kalamidad, personal na hinatiran ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go para makarekober ang mga biktima ng nakaraang Bagyong Paeng sa Passi City, Iloilo.

“Huwag po kayong magpasalamat sa amin, trabaho namin ‘yan. Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo sa inyo,” ani Go sa kanyang mensahe.

Idinaos sa Passi 1 Central School Co­vered Court sa Brgy. Poblacion Ilawod, umaabot sa 1,355 apektadong residente ang binig­yan ng grocery packs, bitamina, mask, mer­yenda at kamiseta. Nagbigay din sila ng mga cellular phone, sapatos, bola para sa basketball at volleyball, payong, relo at bisikleta sa mga piling indibidwal.

Sinabi ni Go na patuloy niyang isinusulong ang Senate Bill No. 188 na layong itatag ang Department of Disaster Resilience.

Ang pagtatatag ng DDR ay sisiguro sa mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa anumang krisis o kalamidad. Makakatulong din ito na maibsan ang negatibong epekto ng mga kalamidad at mas mabilis na makababa­ngon ang mga apektadong komunidad.

Inihain din ni Go ang SBN 1181 na magtatakda ng mga pamantayan at benchmark upang ang mga gusali at istruktura ay tiyak ang katatagan at integridad sa panahon ng mga sakuna.

Sa kanya ring SBN 193, iniuutos ang pagtatatag ng mga eva­cuation center sa bawat lungsod, lalawigan, at munisipalidad sa buong bansa.

Kaugnay nito, pinayuhan ng senador ang mga benepisyaryo at kanilang mga mahal sa buhay na bisitahin ang alinman sa apat na Malasakit Centers sa lalawigan kung kailangan nila ng tulong medikal.

BAGYONG PAENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with