PSN, may pang-akit sa masang Pinoy
MANILA, Philippines — Hindi na nga maikakaila na ang patuloy na nangungunang tabloid sa ngayon ay ang Pilipino Star Ngayon (PSN).
Patunay na rito ang mga natatanggap na mga pagkilala ng PSN mula sa iba’t ibang prestihiyosong grupo at organisasyon dahil na rin sa makabuluhang nilalaman nito na hitik sa panlasa ng mambabasa.
Noong panahon ng COVID-19 pandemic, hindi rin tumigil ang PSN sa paghahatid ng balita at nakita pa rin sa mga lansangan at nanatiling “standing”.
Paano nga namang hindi maaakit ang mambabasa sa PSN eh sa page one pa lamang nito ay siksik na sa mga balita. Maging sa kulay ay maaaliw ang iyong mga mata dahil nagpapahiwatig ito na maningning ang pahayagan na kumbaga sa pagkain sa restaurant ay “EAT ALL YOU CAN”.
Hindi lamang sa mga news sa loob at labas ng bansa, nariyan din ang mga maiinit na isyu sa showbiz, mga magagaling nating kolumnista, sports, at libangan page. Sa mga pahinang ito ay solve na ang araw mo.
Kahit lumago nang husto ang teknolohiya, pumasok ang social media, hindi natinag ang PSN dahil nananatili itong number 1 sa puso ng mamamayan.
Ang PSN ang tabloid noon hanggang ngayon. May kalamidad o pandemya man, ito ang dyaryong hanggang ngayon ay hinahanap-hanap sa mga newstand, food chains at maging mga newsboy sa lansangan.
Ang lahat ng ito ay dahil na rin sa magigiting at mababait naming boss. Una na rito si Sir Miguel Belmonte, ang aming President & CEO.
Ang magagaling naming editor sa pangunguna ni Editor-In Chief Jo Lising-Abelgas, Rowena del Prado (Bansa), Ellen Fernando (Probinsya), Ronnie Halos (Opinion), Salve Asis (Showbiz), Jo Cagande (Libangan) at Maribeth Repizo (Sports), bukod pa sa masisipag na mga kapwa ko reporters at production staff.
Gayundin ang hindi matatawarang sipag at husay ng advertising, circulation staff at accounting.
Sa pagtutulungan ng bawat isa, mananatili ang PSN na numero uno sa puso ng Pinoy.
- Latest