‘Kumpletos Rekados’ ang PSN kaya No. 1 pa rin!
MANILA, Philippines — ‘Kumpleto’s rekados’, siksik sa balita at impormasyon ang ibinibigay ng Pilipino Star Ngayon (PSN) sa publiko kaya napanatili nito ang posisyon bilang nangungunang tabloid sa bansa.
Majority sa impormasyon na mababasa sa PSN ay wala sa mga katunggaling pahayagan kaya patuloy ang pamamayagpag nito sa merkado at sa puso ng bawat Pilipino.
Ang PSN din ang ginagamit at kinukuhanan ng impormasyon ng karamihan sa mga guro, magulang at mag-aaral mula sa Basic Education, Elementarya, Junior at Senior High School hanggang sa kolehiyo.
Batid ko ito dahil ako ang Pangulo ng Adamson University-Parents and Teacher’s Association (ADU-PTA).
Malaking bahagi ang PSN sa buhay mag-aaral ng maraming estudyante sa bansa dahil kapaki-pakinabang ang kanilang nababasa.
Maging sa mga opisina ng gobyerno at pribadong sektor ay bahagi ang PSN na pinagkukuhanan ng impormasyon.
Sa mga barberya at terminal ng iba’t ibang Tricycle Operator’s and Driver’s Association (TODA) ay PSN din ang kanilang binabasa.
At dahil din sa PSN, nakapagbibigay ang inyong lingkod ng gabay at kaalaman tungkol sa pagtatanim ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Sa pamamagitan ng aking kolum na “Ang Magsasakang Reporter” na mababasa tuwing araw ng Martes, iba’t ibang Do It Yourself (DIY) tips sa pagtatanim na nagbibigay ng katipiran sa mga Magsasaka at Urban Gardener sa bansa.
Napapanahon ang nasabing kolum dahil naghahanap ang pamahalaan ng mga alternatibong solusyon sa posibleng kagutuman na ating maranasan dahil sa inflation at mataas na bilihin ng mga pangunahing pagkain.
Praktikal, simple, madali at marami ang natutulungan ng nasabing kolum.
Sa tuwing lumalabas ang kolum na Ang Magsasakang Reporter ay sunud-sunod na ang text na aking nakukuha mula sa mga plantito at plantita.
Marami sa mga nagpapadala ng mensahe ay nagtatanong tungkol sa kanilang mga tanim na halaman kung papaano pa nila mapapaganda.
Ang ilan naman ay nagpapasalamat dahil sa mga tips na kanilang nababasa sa PSN ay napadali sa kanilang ang paghahalaman.
Ang Magsasakang Reporter kolum ng inyong lingkod ay isinilang o nag-umpisa lang sa PSN noong magkaroon ng pandemya sa Covid-19.
Dahil lockdown noon at nasa bahay lang, ang pinagkaabalahan ng karamihan ay magtanim sa kanilang tahanan.
Hindi problema ang kawalan ng hardin o garden na pagtatamnan dahil sa mga bote lamang at iba pang patapon na bagay ay maaaring pagtamnan ng mga kapaki-pakinabang na halaman.
Sa ngayon Ang Magsasakang Reporter kolum pa lamang ang nagbibigay ng impormasyon at nagtuturo ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Ikinatutuwa ng Magsasakang Reporter dahil ang kanyang adbokasiya at “battle cry” na Urban Gardening ay isinusulong na rin ng pamahalaan.
Naniniwala kasi Ang Magsasakang Reporter na pagkakaroon ng seguridad sa pagkain, dapat magsimula sa ating mga tahanan “Food Security Start at Home”.
Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang dumaranas ng malnutrition ang pagtatanim at pagkain ng prutas at gulay ang solusyon. Happy 37th year Anniversary PSN!
- Latest