37 dahilan kung bakit patuloy natinatangkilik ang Pilipino Star NGAYON
MANILA, Philippines — Umabot na naman sa panibagong yugto ang Pilipino Star NGAYON (PSN) sa selebrasyon nito ng ika-37 anibersaryo. Sa kasalukuyan, nananatiling nangungunang tabloid pa rin ang PSN sa Pilipinas.
Kung bakit? Isa-isahin natin yan.
1. Produkto ng demokrasya. Isinilang ang PSN noong Marso 17, 1986 o isang buwan makaraang maibalik ang demokrasya sa bansa.
2. Disente- Hindi naging bastos at patuloy na may moralidad ang laman nito.
3. Maka-Diyos- Itinatag kasama ang Panginoon. Hindi mawawala ang berso ng Bibliya sa bawat isyu.
4. Maka-masa- Gamit ang wikang Pilipino, tiyak na maiintindihan ng ordinaryong Pinoy ang lahat ng laman nito.
5. Intelihente- Matalinong diskusyon sa mga napapanahong isyu.
6. Sariwa- Palagiang hatid ang pinakabagong balita ng bansa.
7. Makulay- Unang tabloid na nailathala sa iba’t ibang kulay.
8. Makapamilya- Itinaguyod ng ina ng pamilyang Belmonte si Gng. Betty Go-Belmonte, at ipinagpatuloy ng mga anak ang adhikain.
9. Maaasahan- Pandemya man o wala, palaging naririyan ang PSN.
10. Abot-kaya- Palagiang inaabot ang badyet ng masang Pilipino.
11. Patas- Handang pakinggan at ilathala ang lahat ng panig sa mga isyu.
12. Matapang- Babanat sa mga isyu na magtatanggol sa kapakanan ng mga api.
13. Nakakaaliw- Mapa-komiks, nobela, at mga laro, andito lahat.
14. Diyaryo na, magasin pa- may laman na balita, at siksik rin sa tsika sa showbiz.
15. Malinis- maayos ang porma at mga talata, hindi minadali.
16. Propesyunal- Mula editor, reporter, kolumnista at iba pa, pawang mahuhusay.
17. Maaasahan- 363 sa 365 araw sa buong taon na may sirkulasyon. Walang holiday ang balita.
18. Maka-Pilipino- una ang kapakanan ng mga Pilipino bago ang dayuhan.
19. Totoo- Bawal ang fake news dito.
20. Mapagkumbaba- Handang umamin sa mga pagkakamali.
21. May puso- Dumadamay sa nangangailangan.
22. Hitik- Kumpleto tayo dito. May balita, opinyon, entertainment, nobela, sports, palaro at kung anu-ano pa.
23. Lotto-panalo- Araw-araw na makikita mo dito ang winning numbers ng Lotto. Pabalato kung ikay nanalo.
24. Makulit- Kulitan pero may halong katotohanan. Sagot nina Brat Pig yan.
25. Nakikita- Kahit saang newstand, andiyan ang PSN. Hindi ikinakahiya, kaya hindi tinatago.
26. Napapanahon- sariwa lagi ang mga balita. Kaya NGAYON, hindi kahapon.
27. Kinikilala- Samu’t saring parangal na ang natanggap sa mga institusyong nagpapahalaga sa propesyunal na pagbabalita.
28. Kaabang-abang- Inaabangan ang mga subaybayin na mga nobela.
29. Kapaki-pakinabang- Kapupulutan ng aral at impormasyon ang hatid ng kolum sa pagtatanim.
30. Moderno- hindi lang tradisyunal, may social media na rin tayo.
31. Organisado- maayos ang latag ng lay-out, hindi binara-bara.
32. Walang kinikilingan- Kahit sino ang nakaupo, sa taumbayan pa rin ang puso.
33. May inobasyon- bukod sa pisikal na diyaryo, meron ding newspaper application na downloadable, at may presensya sa internet, para higit na maabot ng lahat.
34. Ginagalang- Kinikilala at ginagalang ang mga personalidad na kolumnista.
35. Makatao- Hindi kailanman pinabayaan ng pamunuan ang mga empleyado.
36. Malawak- Daang libo ang kopya nito. May sipi sa lahat ng parte ng bansa.
37. MATATAG- 37 taon na kami! May iba pa ba?
- Latest