^

Bansa

60 sugatan, P42-M halaga ng pinsala naitala sa lindol sa Davao de Oro

Philstar.com
60 sugatan, P42-M halaga ng pinsala naitala sa lindol sa Davao de Oro
Residents and casualties from Marasugan, Davao de Oro, flock to a treatment center in the municipality after the vicinity became an epicenter of a 5.9 magnitude earthquake on March 7, 2023. The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) said aftershocks are expected.
Released/Local Government Unit of Maragusan

MANILA, Philippines — Umabot na sa 2,900 pamilya sa Davao de Oro ang naapektuhan ng dalawang magkasunod na lindol nitong Martes na nagdulot ng kaliwa't kanang pagguho ng lupa atbp. sa paligid ng epicenter nito malapit sa bayan ng New Bataan.

"Sa ngayon po meron na po tayong P42 million mahigit po na worth of cost of damage po nitong lindol po," banggit ni Diego Agustin Mariano, head ng joint information center ng Office of Civil Defense sa panayam ng PTV4 nitong Huwebes.

"Sa ngayon po meron po tayong walong kalsadang not passable nga po. Ito nga po'y, lahat po'y nasa Davao de Oro po."

"Meron po tayong mahigit 60 na na-injured dulot po nitong lindol po."

Martes ng bandang alas dos ng hapon lang nang tumama ang isang 5.9 magnitude na lindol na may epicenter malapit sa New Bataan, Davao de Oro. Sinundan ito ng isa pang 5.6-magnitude na lindol matapos ang dalawang oras.

Sa apektadong populasyon, mahigit kumulang 1,800 pamilya ang patuloy na nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Una nang sinabi ni Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga na ilang estudyante ang nasaktan matapos mag-panic. Sa kabutihang palad, wala pa namang naitatalang patay.

"Sa ngayon po ito pong [National Disaster Risk Reduction and Management Council] member agencies po, nakakapag-abot na po ng worth P6,000,243 na assistance po," sabi pa ni Mariano.

"Ito po'y composed of family food packs, tents at tsaka sleeping kits po ano. Ito po 'yung mga naihatid na ng NDRRMC."

Matatandaang umabot sa Intensity VI (very strong) ang naitala sa mga bayan ng Maco, Maragusan, Mawab, Nabunturan at New Bataan nang tumama ang lindol.

Una nang sinabi ng state seismologists na hindi makapagdudulot ng mapaminsalang tsunami ang mga nasabing pagyanig kahit na merong mga malalakas na aftershocks sa dahilang "inland" ang epicenters nito.

Hindi rin daw nangangahulugan ng volcanic activity ang nangyari kahit na nasa 13 kilometro lang ang Leonard Kniaseff Volcano. "Tectonic" lang daw kasi ang origin nito.

"In case of another strongly felt earthquake, it is recommended that people protect themselves by doing the 'drop, cover, and hold,'" sabi ng Phivolcs noong Miyerkules.

"In homes and offices, heavy furniture and appliances should be strapped to the walls, and hanging objects securely fastened to prevent these from causing injuries." — James Relativo

DAVAO DE ORO

EARTHQUAKE

NEW BATAAN

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with