^

Bansa

ROV gagamitin para mahanap ang lumubog na oil tanker

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gagamit na ang gobyerno ng “remotely operated vehicle (ROV)” para mahanap ang lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Tinatayang lumubog ang barko sa Hilagang-silangan ng bayan ng Pola sa naturang lalawigan pero hinihinalang napadpad na ito sa direksyon ng timog silangan mula sa huling posisyon nito dahil sa kuryente sa ilalim ng dagat.

Bukod sa pagtukoy sa barko, magagamit din ang ROV para mabatid kung paano ang pagtagas ng langis sa barko.

“We are now preparing to access an ROV in order to fully determine where the vessel actually is and to completely model the way the oil will be spilling from the vessel,” ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumutulong din sa operasyon sa probinsya.

Samantala, nakapag­latag na rin ng oil spill boom ang PCG sa bisinidad ng pinagsususpetsa­hang huling lokasyon ng oil tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.

“Nakapaglagay na ng oil spill boom doon sa suspected location ng vessel,” ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, upang kontrolin ang posible pang pagtagas ng langis sa barko na may kargang 800,000 litrong industrial oil nang lumubog ito noong Pebrero 28.

Hindi pa pisikal na natutukoy ng PCG ang barko dahil sa masyadong malalim ang 400 metrong lalim ng kinalubugan nito na hindi umano kayang sisirin ng kanilang mga divers.

PCG

ROV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with