^

Bansa

Apektado ng 'Mindoro oil spill'? Ito ang dapat mo gawin, asahan

James Relativo - Philstar.com
Apektado ng 'Mindoro oil spill'? Ito ang dapat mo gawin, asahan
Umabot sa 15 sakto ng oil waste ang nakolekta ng oil spill response team at mga residente sa baybay-dagat ng Sitio Sigayan, Barangay Semirara, Caluya, Antique, ngayong araw, ika-07 ng Marso 2023.
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Nagbigay ang Department of Health (DOH) ng gabay sa publiko patungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga malapit sa pinangyarihan ng matinding oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro — pati na ang mga peligro nito sa kalusugan.

Matatandaang ika-28 ng Pebrero nang lumubog ang barkong MT Princess Empress na may dala noong 800,000 litro ng industrial fuel oil at may sakay na 20 katao malapit sa nasabing lugar.

Sabado lang nang sabihin ng University of the Philippines - Marine Science Institute na posibleng 36,000 ektarya ng bahura, bakawan at seagrass ang naapektuhan ng pagkalat ng langis sa dagat

Epekto sa kalusugan na dapat abangan

"Katulad po ng aming ipinapaliwanag, hindi po namin masasabi kung ano 'yung specific na sakit na makukuha nila pero 'yung sintomas na maaari nilang maramdaman," wika ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vegeire, Martes, sa isang media briefing.

"Ang mga tao, it will depend on the mode of exposure. Halimbawa sila ay na-expose sa hangin, maaaring ma-aggravate ang kanilang mga existing respiratory conditions katulad ng mga may hika, katulad ng mga may emphysema."

Ilang katao na sa Pola, Oriental Mindoro ang nagkakaroon ng kahirapang huminga. Kaugnay nito dinala na ng ospital ang isa dahil sa paglala ng hika.

Para sa mga makakainom ng kontaminadong tubig, maaaring maranasan naman ang mga sumusunod na sintomas:

  • pagsusuka
  • pagsakit ng tiyan
  • pagtatae

Ilan sa mga residenteng malapit ngayon sa shoreline ang nagkadama naman ng pagsakit ng ulo at pagkahilo.

"Ito po lahat ay napansin natin na mga short-term lng na mga sintomas. Pagkatapos silang i-manage sa kanilang healthcare facility, na-monitor ng doktor, after mga two to three hours nawala na rin 'yung mga nararanasan," dagdag pa ni Vergeire.

"Isa lang 'yung na-admit, 'yun ngang nagkaroon ng aggravation ng kanyang hika... Naka-recover siya within that day also. Recovered naman. Naagapan 'yung kanyang atake ng hika at siya ay kinabukasan nakauwi na rin."

Mga dapat, hindi dapat gawin

Dagdag ng DOH, ngayon pa lang nakapagkolekta ng samples ng tubig sa mga apektadong lugar. Gayunpaman, hindi na raw nila ito aantayin pa bago gumawa ng aksyon.

Tinutukoy nila ang una nang ginawang pag-test ng Department of Environment and Natural Resources at Philippine Coast Guard sa lugar.

"'Yung mga nakatira doon sa within 100 meters, hindi pwedeng surgical masks lang ang gamit nila. Kailangan 'yung industrial mask na ibinigay natin sa kanila ang gagamitin nila," sabi pa ng DOH official.

"Doon sa mga nakatira within 100 meters, kailangan ire-relocate ang mga matatanda at may mga sakit sa baga. Lalabas sila at dadalhin doon sa mga kamag-anak na medyo malayo-layo doon sa lugar na 'yon."

"Unang-una, those within 100 meters from the affected area cannot drink their water. They have to be supplied water, safe water, by their local government."

DEPARTMENT OF HEALTH

OIL SPILL

ORIENTAL MINDORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with