Palm oil, sagot sa kalusugan at ekonomiya
MANILA, Philippines — Dahil sa bukod sa murang presyo, at magandang benepisyo sa kalusugan, tinataya ngayon na ang Palm Oil ay makakabigay ng magandang epekto sa ekonomiya.
Ang palm oil na ginagamit sa araw-araw na vegetable oil sa mga bahay maging sa mga fast-food restaurant na mula sa palm tree ay gamit din sa mga bagay tulad ng personal care items, biofuels maging sa mga animal feeds.
Sa mga supermarkets maging sa mga sari-sari store sa buong bansa ay mabibili ng mura na ay maganda pa ang epekto sa kalusugan.
Ang palm oil ay mayaman sa vitamins A at vitamins E na mabisang pampalakas ng resistensya maging sa mata ng isang tao.
Ito rin ay nagtataglay ng malakas na antioxidant na nagbibigay proteksyon sa katawan at panlaban sa stress.
Ayon sa pag-aaral na nalathala sa Nutrients journal, ang palm oil ay mabisa sa healthy diet kung saan hindi ito nagdaragdag ng cholesterol levels at nagbibigay tulong para mapalusog ang puso ng tao.
Tulad sa Malaysia and Indonesia, ang produksyon din ng palm oil ay nagbibigay ng malaking percentage ng trabaho sa mga mamamayan nito, kaya makabubuti rin ito sa ating bansa na makakapagbigay ng libu-libo na trabaho.
Patuloy ang pagtaas ng global demand sa palm oil sa buong mundo kaya nararapat na bigyan ng importansya rin sa bansa ang produktong palm oil.
- Latest