Pera, pabuya sa drug tipster – PNP
‘Di recycle na droga
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pera at hindi ‘recycle’ na droga ang pabuya sa mga tipster kasabay ng kanilang kampanya laban sa illegal drugs.
Inihayag ito ni PNP-Public Information Office chief information Col. Redrico Maranan sa kabila ng pagbubunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Virgilio Moro Lazo na may umiiral na pagbibigay ng 30% ng nasamsam na droga sa tipsters sa matagumpay na buy-bust operation.
Ayon kay Maranan, illegal ang ganitong sistema dahil nagsisilbing ebidensiya ang mga nakukuhang droga sa operasyon na isinusumite sa korte.
Dagdag pa ni Maranan, walang saysay ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga kung paiiralin ang sistema ng pabuya sa mga tipster.
Sa ngayon aniya, puspusan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga drug syndicate gayundin sa mga drug pusher at user.
Sinabi ni Maranan na sa panig ng PNP, mayroon silang reward valuation system kung saan ang monetary amount na ibibigay sa mga tipsters ay nakadepende sa kanilang kontribusyon sa tagumpay ng anti-illegal drugs operations.
- Latest