^

Bansa

Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey

Philstar.com
Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey
Catholic devotees raise their hands during mass outside Quiapo Church to celebrate the Feast of the Black Nazarene in Manila January 9, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Bagama't 70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

'Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang inilabas nitong Lunes. Sinasabing 79% sa mga nakapanayam ay mga Katoliko.

"38% attend religious services once a week/more than once a week," banggit ng survey firm sa isang pahayag kahapon.

Narito ang datos kung titilad-tilarin:

  • isa o higit pa kada linggo: 38%
  • dalawa o higit pa kada buwan: 24%
  • isang beses kada buwan: 20%
  • dalawa hanggang 11 beses kada taon: 9%
  • isang beses kada taon: 7%
  • hindi talaga: 3%

Kabaliktaran ito kapag tinignan naman ang bilang ng mga Pinoy pagdating sa kanilang pananalangin.

"[Seven] out of 10 Filipino Catholics pray at least once daily," wika pa ng SWS.

"10% several times a week, 6% every week, 4% [two to three] times a week, 4% about once a month, 2% nearly every week, 1% several times a year, 1% about [one to two] a year, 1% less than once a year, and 1% never."

Sa kabila nito, 93% sa mga nakapanayam ay nagtungo sa kani-kanilang bahay sambahan sa nakalipas na tatlong buwan. Labas diyan, ito ang mga datos:

  • nanuod ng religious services online: 3%
  • sumamba nang personal at online/TV: 2%
  • hindi talaga pumupunta: 1%

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 Pilipinong nasa wastong gulang sa buong bansa at sinasabing merong "sampling error margin" na ±2.8%.

"SWS employs its own staff for questionnaire design, sampling, fieldwork, data processing, and analysis and dos not outsource any of its survey operations," dagdag pa nila.

"The report was prepared by Fernel Ted Paguinto."

Kilalang karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko at kinikilala bilang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Kristiyano sa buong Asya. 

Maliban sa mga Katoliko, sunod na marami ang mga nagpra-practice ng Islam maliban pa sa iba't ibang sekta ng Kristiyanismo. — James Relativo

CATHOLICS

PRAY

RELIGION

SOCIAL WEATHER STATIONS

WORSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with