^

Bansa

Duterte idepensa vs ’ICC probe sa drug war’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte idepensa vs ’ICC probe sa drug war’
This file photo taken on November 16, 2016 shows police gathered over the body of a suspect killed during an anti-drug operation at an informal settlers' area near a port in Manila.
AFP / Ted Aljibe, file

Arroyo, 18 pang solons umapela sa Kamara

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at 18 pang mambabatas ang nagkakaisang panawagan sa Kamara para suportahan at ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbes­tigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y madugong giyera kontra droga sa panahon ng termino nito.

Ipinunto ni Macapagal Arroyo (2nd District Pampanga) na ang Pilipinas ay kumalas na sa pagiging miyembro ng ICC noon pang 2019.

Ang 19 mambabatas ay naghain ng House Resolution (HR) No. 780 na pinamagatang “A Resolution In Defense of former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Phi­lippines, Against Investigation And/Or Prosecution of the International Criminal Court”, na humihikayat sa Kamara na ideklarang “unequivocal defense of former President Rodrigo Roa Duterte.” 

Binigyang diin sa HR 780 na katangi-tangi ang naging accomplishments ni dating Pangulong Duterte sa giyera nito kontra droga, insurgency, separatism, terorismo, korapsyon sa gobyerno at kriminalidad na nakatulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino bilang mahusay, kompor­table at matiwasay.

Idinagdag pa ni Arroyo na nakabuti sa bayan ang drug war ni Pangulong Duterte dahil nakapamuhay ng mapayapa ang mga Pilipino, nawala ang mga holdaper at nakakapag­lakad na ng payapa ma­ging sa kadiliman ng gabi sa panahon ng termino ni Digong.

DRUGWAR

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with