^

Bansa

Tropical fabrics gamiting goverment uniform – CSC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Tangkilin ang sariling atin!

Ito ang binigyang diin ng Civil Service Commission na iprino-promote ang paggamit ng ‘tropical fabrics’ sa mga uniporme ng mga empleyado ng gobyerno sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles, sa pamamagitan ng paggamit ng “Philippine Tropical Fabrics “ (PTF) ng mga empleyado ng gobyerno ay maisusulong ang pagiging makabayan at nasyonalismo sa hanay ng mga public officials at mga empleyado.

“We encourage all government agencies to promote the use of local fabrics and textiles by using them as base materials in the uniforms of officials and employees. This is in compliance with Republic Act (RA) No. 9242,” panghihikayat pa ni Nograles.

Sa ilalim ng Seksiyon 3 ng Republic Act 9242 na pinamagatang “An Act Prescribing the Use of Philippine Tropical Fabrics for Uniforms of Public Officials and Employees and for Other Purposes,” nakasaad na ipatupad ang paggamit ng PTF bilang official uniforms sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno at iba pang mga opisina.

Binigyang diin ng opisyal na para sa patuloy na implementasyon ng RA No. 9242 o ang PTF Law ay bumuo na ng Technical Working Group na nagsagawa na ng pakikipagpulong para irebisa ang umiral na Implementing Rules and Regulations (IRR) at i-draft ang panukalang amyenda ukol dito.

 

CIVIL SERVICE COMMISSION

KARLO ALEXEI NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with