^

Bansa

Epektibong pamantayan sa istruktura, isinulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

Para sa katatagan ng ‘Pinas sa mga kalamidad

MANILA, Philippines — Para sa katatagan ng bansa sa mga natural na sakuna at kalamidad na gawa ng tao, isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang Philippine Building Act of 2022 upang mas maging epektibo ang regulasyon sa pagpaplano, disenyo, pagtatayo, pagtira sa mga gusali at istruktura.

Sa ambush interview matapos dumalo sa “Kasalang Bayan” sa Dasmariñas City, Cavite, sinabi ni Go na inihain niya ang Senate Bill 1181 na magpapalakas sa whole-of-nation approach sa pagharap sa mga kalamidad sa bansa.

Layon nitong amyendahan ang Presidential Decree 1096, kilala bilang National Building Code of the Philippines, upang matiyak na ang lahat ng gusali at istruktura ay naitayo ayon sa prinsipyo ng “building back better”.

“Layunin nitong magbigay ng mas epektibong regulasyon sa pagpaplano, disenyo, konstruksyon, occupancy, at pagpapanatili ng lahat ng pampubliko at pribadong gusali, istruktura na matatag laban sa natural at man made calamity,” ani Go.

Ipinunto niya na ang National Building Code ay pinagtibay noong 1977 at overdue na para i-update nang sa gayo’y matiyak na nakaangkla pa rin sa nagbabagong panahon. 

Binanggit ni Go ang kamakaila’y nangyaring kahila-hilakbot na lindol sa Turkey at Syria na pumatay na ng mahigit 41,000 katao.

Binigyang diin ni Go ang pangangailangang unahin ang buhay, kaligtasan, at kalusugan ng lahat ng Pilipino sa pagtatayo ng mga gusali at iba pang istruktura.

Saklaw ng panukala ang pagsusuri at inspeksyon ng mga lumang gusali para masiguro ang integridad ng istruktura. 

Bukod sa Philippine Building Act of 2022, nauna na ring itinulak ni Go ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience sa pamamagitan ng SBN 188.

Naghain din ang senador ng SBN 193 o ang Mandatory Evacuation Center Act na lilikha ng mga permanente, ligtas at maayos na evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong Pilipinas.

CALAMITY

DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with