^

Bansa

Bong Go: Online consumer, merchants proteksyonan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera kung paano pinalakas ng global pandemic ang mga negosyo sa online sa bansa, binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat paigtingin ng gobyerno ang pagsuporta sa Filipino micro-entrepreneurs.

Co-sponsor at co-author ng Senate Bill 1846, nais ni Go na maprotektahan ang mga mamimili at mangangalakal na nakikibahagi sa e-commerce.

Sinabi ni Go na sa pagpasok ng bagong normal, hindi maikakaila na ang mga online transactions ay naging isa nang pangangailangan at bagong pamantayan para sa lahat.

“Napakarami pong covered ng e-commerce: from our basic needs like food, drink, and clothing; our medical needs; and even our mobile devices can be availed online, talaga pong anything under the sun,” ipinunto niya.

Nakasaad sa panukala na ang Pilipinas ang may pinakamababang digital consumer penetration sa rehiyon sa 68%, mas mababa kaysa ­Singapore (97%), Thailand (90%), Malaysia (81%), Indonesia (80%) at Vietnam (71%) .

Sa kabilang banda, ito ay nagpapahiwatig ng malaking potensyal para sa paglago sa mga transaksyong e-commerce.

“Protektahan po natin ang mga maliliit na negosyo at online sellers na gusto lamang ­maghanapbuhay para sa kanilang pamilya, lalo na ngayong panahon na ito. Napakakrusyal nito sa pagbangon ng ating bansa,” diin ni Go.

Patuloy ring isinusulong ni Go ang kanyang inihain na SBN 1184, o ang panukalang “Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Services Protection Act of 2022” na layong palakasin ang panlipunang proteksyon sa mga indibidwal na nasa delivery services.

 

vuukle comment

MERCHANTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with