^

Bansa

Mahal ba bulaklak? 'Gulay bouquet' ibebenta sa Valentine's para tulungan farmers

James Relativo - Philstar.com
Mahal ba bulaklak? 'Gulay bouquet' ibebenta sa Valentine's para tulungan farmers
Makikita sa litratong ito si Patreng Non, founder ng Community Pantry PH, habang hawak ang "gulay bouquet" na kanilang ibebenta para makatulong sa mga magsasaka
Mula sa Facebook page ni Patreng Non

MANILA, Philippines — Gagastos na naman ng libu-libo ang marami para sa bulaklak sa darating na February 14 kahit itatapon lang din, pero may alternatibo riyan sabi ng Community Pantry Philippines —  makatutulong ka pa sa magsasaka ng sibuyas.

"Sa padating na Valentine's Day maaari pa natin i-extend ang pagmamahal natin sa iba mula sa pagbili natin ng gulay bouquet sa Community Pantry PH," wika ni Patreng Non, founder ng grupo, Lunes.

"Deserve natin lahat ng healthy na pagmamahal! Abot kaya! Masustansya! Makulay! Sweet! At mabigat hehe halos 5kgs ang Bouquet!"

 

 

Ani Non, ang kikitain mula sa mga maibebentang "gulay bouquet" ay gagamitin para sa mga ikinakasa nilang "gulay rescue" operations na siyang pakikinabangan ng mga magsasaka.

Kasamang nakalakip sa gulay boquet, na ia-arrange na parang bulaklak, ay ang sumusunod:

  • talong
  • mais
  • sayote
  • malunggay
  • ampalaya
  • bawang
  • sibuyas
  • atbp.

 

 

"Bili na kayo! Limited slots only. Feb 10, 6pm (order cut-off)," dagdag pa niya.

Gulay rescue vs pagkalugi ng magsasaka

Ang gulay rescue na sinasabi ni Patreng ay ang pagsaklolo nila sa mga magsasakang binabarat ng mga middlemen, bagay na ikinalulugi ng mga nagtatanim. Binibili ito ng Community Pantry PH sa tamang presyo bagay na siya namang ibinebenta nila sa mababang presyo sa mga konsyumer.

Bukod pa rito, naiipit daw ang maraming nagbubungkal ng lupa na ibaba ang benta nila bago makarating ng palengke dahil naiipit sila sa tuwing nag-i-import ang gobyerno ng mga agrikultural na produkto ng mga dayuhan.

"Isa din po ito sa dahilan kung bakit binababa nila ang presyo ng kanilang produkto para maka-keep up sa presyo ng export goods," sabi pa ni Non.

 

 

Matatandaang nag-import si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tone-toneladang sibuyas mula sa ibang bansa nitong Enero matapos umabot sa P720/kilo ang bentahan nito noong Disyembre, bagay na ginawa kahit magsisimula pa lang mag-ani ang mga lokal na magbubukid.

Dati nang sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na "pagbaon ito ni Marcos ng buhay" sa lokal na pagsasaka, lalo na't hindi naman daw totoong may shortage sa suplay.

Matatandaang ni-redtag ng mga ahente ng gobyerno ang Community Pantry PH at iniugnay sila sa rebeldeng New People's Army-Communist Party of the Philippines, kahit hindi naglalabas ng matibay na ebidensya. Ginawa ito noong nangangalap sila ng pagkain sa gitna ng COVID-19 lockdowns.

Interesadong bumili? Um-order ng gulay bouquet sa link na ito.

Inaasahang darating naman ang mga orders sa Linggo, ika-12 ng Pebrero (10 a.m. hanggang 6 p.m.) at sa Lunes, ika-13 ng Pebrero (10 a.m. hanggang 6 p.m.).

COMMUNITY PANTRY

FLOWERS

ONIONS

PATRICIA NON

VALENTINE'S DAY

VEGETABLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with