Pinakamabilis makahawa na Omicron XBB.1.5 subvariant, nasa Pinas na
MANILA, Philippines — Nakapasok na rin sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB.1.5 na sinasabing higit na nakakahawa kaysa sa ibang sublineage makaraang matukoy ng Department of Health (DOH) ang unang kaso nito.
Sa huling COVID-19 biosurveillance report, iniulat ng DOH ang 196 sa 1,078 na samples na isinailalim sa sequencing ang klinasipikado na XBB, kabilang dito ang isang kaso ng XBB.1.5.
Ayon kay World Health Organization (WHO) COVID-19 technical lead Maria Van Kerkhove, ang XBB.1.5 ang pinaka-nakakahawang subvariant na kanilang natukoy sa mga Omicron XBB subvariants.
Tinukoy rin ito ng European Center for Disease Prevention and Control bilang “variant of interest”, habang ang ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, ang naturang subvariant ang bumubuo sa 66.4% kaso mula Enero 29 hanggang Pebrero 4.
Pero nilinaw rin ng WHO na base sa kasalukuyang mga ebidensya, walang ipinapakita na mas malala ang idinudulot na sakit ng XBB.1.5 kumpara sa mga orihinal na Omicron variant.
Bukod dito, natukoy rin ng DOH ang 454 kaso ng Omicron subvariant BA.2.3.20, 79 kaso ng XBC, 28 kaso ng BA.5, at pitong kaso ng BA.2.75. May 160 samples naman ang klinasipika na iba pang Omicron sublineages.
- Latest