^

Bansa

Marcos Jr. suportado panukalang itaas sa 25% ang buwis sa 'luxury goods'

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. suportado panukalang itaas sa 25% ang buwis sa 'luxury goods'
Kuha kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ika-7 ng Pebrero, 2023, habang dumadalo sa kickoff ceremony ng 2023 National Tax Campaign sa Lungsod ng Pasay
Video grab mula sa Facebook page ng PTV

MANILA, Philippines — Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang itaas sa 25% ang ipinapataw na buwis sa mga produktong nabibili lang ng mayayaman gaya ng luxury cars, pribadong jets atbp., bagay na magpapalaki raw sa nakokolekta ng gobyerno habang hindi umaaray ang mahihirap.

Ito kasi ang laman ng House Bill 6993 ni Albay Rep. Joey Salceda, bagay na kanyang inihain kaysa obligahin ang "super-rich" magbayad ng mas malalaking buwis.

"Walang takas" daw kasi ang mayayaman kapag luxury items ang tina-tax habang binebenta pa lang ang produkto.

"[P]alagay ko naman it's reasonable that we will tax the consumption side of those who are consuming luxury items," wika ni Bongbong sa isang panayam sa media, Martes.

"For the rest of us who are not necessarily consumers of luxury goods ay ramdam natin kapag bumagsak ang ekonomiya. Ngunit kung titignan ninyo 'yung mga luxury items, 'yung mga magagarang kotse, 'yung mga designer na damit at tska mga bag, lahat, hindi nagbabago ang mga presyo niyan  dahil may kaya ang mga bumibili."

Una nang sinabi ni Salceda na maaaring kumita ang gobyerno ng P15.5 bilyon taun-taon kung maipapasa ang HB 6993, bagay na magtataas sa buwis ng non-essential, luxury items mula sa 20% patungong 25%.

Eh anong sakop ng 'luxury tax' na 'yan?

Sinasabing mapapasali ang naturang panukala ang sumusunod:

  • luxury watches
  • private cars
  • private jets
  • bentahan ng residential properties na lagpas P100 milyon
  • inuming aabot ng P20,000
  • leather products na lagpas P50,000

"I think, because right now, the tax on luxury goods covers very specific items," sabi pa ni Marcos.

"Luxury goods, as those who put some study on this know, [na] hindi nagbabago... ang demand diyan kahit anong sitwasyon."

Sa panukala ni Salceda, idadagdag ang non-essentials goods tax sa ibabaw ng iba pang mga buwis. Halimbawa, idadagdag pa ang luxury tax sa automotive excise tax, value added tax at iba pang mga buwis oras na ito ay ibenta.

Inihain ito sa Kamara lalo na't madali raw maglipat ng yaman, lalo na sa mga bansang nagbibigay ng "tax-haven" passports sa mga sobrang madatung. Sa ngayon, limitado rin daw kasi ang kapasidad ng gobyerno na sipatin ang "hidden wealth" sa ibang bansa.

Dati nang sinabi ng Swiss Federal Supreme Court na may "secret account" ang pamilya nina Bongbong sa Swiss banks, bagay na meron daw "criminal provenance."

Luxury tax vs 'super rich' tax

Matagal nang inirerekomenda ng international at national organizations ang pagpapataw ng wealth taxes batay sa net worth ng mga "super-rich."

Isa na sa mga nagtutulak nito ay ang Oxfam Pilipinas, lalo na't mas marami pang pera ang siyam na pinakamayaman na Pilipino kumpara sa bottom half (55 milyon) ng populasyon.

Maaaring yumaman daw ng $3.8 bilyon ang Pilipinas kung magkakaroon ng ganitong batas, bagay na kayang pataasin ang Health budget ng two-fifths.

Hunyo 2022 nang ihain ng Kabataan party-list, Gabriela Women's Party at ACT Teacher's party-list ang HB 258 na planong magpataw ng "super-rich tax" sa mga indibidwal na may net value assets na lalagpas ng P1 bilyon.

Una nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na malamig siya sa mga ganitong panukala lalo na't maaaring "matakot" daw nito ang mga posibleng mamumuhunan.

BILLIONAIRES

BONGBONG MARCOS

JOEY SALCEDA

LUXURY

TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with