CHR iimbestigahan 2 'rapist' Calabarzon cops; isa sa biktima 3-anyos
MANILA, Philippines — Nagkakasa ngayon ng sariling "motu proprio" investigation ang Commission on Human Rights (CHR)- Calabarzon tungkol sa magkahiwalay na kaso ng diumano'y panghahalay ng dalawang pulis na nakatalaga sa Laguna at Cavite.
Sa mga inisyal na police reports, sinasabing isang "master segeant" mula sa Philippine National Police Regional Office 4A ang nanghalay diumano sa kanyang 3-anyos na anak.
"Cabuyao police chief Lt. Col. Jack Angog also adds that the male suspect allegedly had illegal drugs in his possession," wika ng komisyon sa isang pahayag, Martes."
"Meanwhile, in Cavite, Tagaytay Regional Trial Court (RTC) Branch 18 Judge Minelli Rocio-Carvajal issued a warrant of arrest against a non-commissioned cop after receiving a formal complaint filed by the victim's guardian. Based on a news report, the said police office has already surrendered and turned over his firearm to the Silang police station."
Kinilala naman ng CHR ang "mabilis" na aksyon dito ng PNP at RTC, lalo na't humaharap na raw ang dalawang suspek sa mga reklamong kriminal at administratibo patungkol sa mga nasabing paglabag sa karapatang pantao.
Upang makatulong sa iginugulong ng mga naturang kaso, sinabi ng komisyon na bukas itong makipagtulungan sa mga ahensya upang makarating sa mga totoong nangyari nang maibigay ang katarungan.
Ilan sa mga tinitignang tugon sa ngayon ang pagbibigay ng pinansyal at legal assistance sa mga biktima.
"The Commission reiterates that, as primary duty bearers, government must continue to fulfill its obligation to protect women and children from human rights violations and abuse," sabi pa ng CHR.
"All forms of gender-based violence, especially those committed against the most vulnerable, must be acted upon with exigency. We look forward to the resolution of these cases, as well as further reforms from government in making support and remedies more accessible to the victims."
Taong 2020 lang nang sabihin ng kapulisan na nakatanggap ito nang mas maraming bilang ng reklamo pagdating sa domestic violence simula nang magluwag ang quarantine measures kaugnay ng COVID-19. Matatandaang nagpatupad ng mahihigpit na lockdowns ang gobyerno noon dahil sa pandemya.
Una nang sinabi ng CHR, na siyang tumitingin sa mga human rights violations sa ilalim ng 1987 Constitution, na napahirapan ng quarantine measures ang ilang biktima ng gender-based violence na lumabas ng bahay upang humingi ng saklolo.
- Latest