Pinas nanguna sa mahilig mag-alaga ng aso sa Asya
MANILA, Philippines — Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamaraming nag-aalaga ng aso.
Base sa 2021 Rakuten survey, Pilipinas ang pinakamataas pagdating sa dog ownership na 67 percent at pangalawa naman pagdating sa cat ownership sa 43 porsiyento.
Pinakakaunti na nag-aalaga ng aso sa Indonesia sa 10% ngunit sila ang may pinakamaraming nag-aalaga ng pusa sa Asya sa 47%.
Ipinakita sa mga pag-aaral na ang pagkakaroon ng “furry companion” ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa kalusugan ng mga may-ari, gayundin sa kanilang pamumuhay.
Tatlong pangunahing dahilan kung bakit nag-aalaga ng mga hayop ay para hindi malungkot/hindi gaanong stress (41%), na sinundan ng “to have some company” (36%) at “to feel more secure” (36%).
Lumabas din sa survey na paboritong gawing pet ng mga Asian country ang aso (32%), pusa (26%) at isda (15%).
- Latest