^

Bansa

Pinatalsik na Albay governor humirit sa SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling umapela ang pinatalsik na si Albay Governor Noel Rosal sa Supreme Court na maglabas na ng status quo ante order (SQAO) para makabalik na siya sa pwesto habang naka-pending sa korte ang kanyang petisyon kontra sa naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nag-disqua­lify sa kanya.

Sa 24 na pahinang mos­yon ni Rosal, hiniling nito sa korte na irespesto ang boto ng mga taga-Albay. Nakakuha siya ng 469,481 vote kumpara sa kanyang kalaban na naka-238,746 lamang, sa kabila ng naka­binbing disqualification nito noong eleksyon.

Hiniling din ni Rosal sa korte na i-apply sa kanyang kaso ang nangyari sa disqualification case ng alkalde sa Agoo, La Union kung saan pinaboran nito ang binoto ng taumbayan sa kabila ng naka-pending na disqualification case ng alkalde.

Sa kanyang mosyon, sinabi pa ni Rosal na nabigo ang Comelec na maglabas ng Implemen­ting Rules and Regulations (IRRs) para ipatupad ang probisyon ng Omnibus Election Code (OEC) na nag-disqualify sa kanya.

Saad pa sa mosyon, “The Comelec already ruled that I did not commit vote buying under Section 68(a) of the OEC and the assistance given to tricycle drivers and senior citizens were amounts due them and not for the purpose of influen­cing or inducing them to vote for me.”

Kaya nagkaroon umano ng “grave abuse of discretion” ang Comelec nang idiskuwalipika pa rin siya sa kanila ng desisyon na walang naganap na vote-buying at walang ebidensya na inimpluwen­syahan niya ang mga botante.

NOEL ROSAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with