^

Bansa

DOH nagbabala vs 'health risks' ng frozen eggs ngayong itlog napakamahal

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
DOH nagbabala vs 'health risks' ng frozen eggs ngayong itlog napakamahal
Frozen eggs are being sold for P55 per kilo at a store along Annapolis Street in Quezon City on Monday (January 30, 2023).
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ilan ngayon ang bumibili ng "frozen eggs" bilang alternatibo sa mahal ng presyo ng sariwang itlog sa merkado — pero babala ng Department of Health (DOH), maaaring food poisoning ang kabagsakan mo rito dahil sa Salmonella at E. coli bacteria.

Nasa P55 kada kilo lang ang frozen eggs kumpara kung bibili ng isang buong tray na aabot ng hanggang P285, dahilan para makamura nang husto sa nauna.

"Alam niyo po, ang itlog kapag na-subject siya sa extremes of temperature, pwede po siyang mag-breed siya ng organismo na maaaring makasama sa ating katawan," wika ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Martes sa isang media briefing.

"Specifically, may mga specific na bacteria na eadily naaapektuhan niya at naco-contaminate niya ang itlog. So kami po ay nagbibigay ng abiso at tska ng guidance para sa atin pong mga kababayan, ito pong mga fini-freeze na mga itlog ay maaaring makasama sa inyong health."

Kada piraso, nasa P8-P9 na kasi ang presyo ng itlog (medium) sa ngayon, ayon sa Department of Agriculture nitong Linggo. Nasa P6 lang ito noong 2022.

Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa 8.1% ang inflation rate sa Pilipinas, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa mahigit 14 taon. Primaryang nakaapekto rito ang presyo ng pagkain.

Sinasabing kinukuha sa inipong basag na itlog ang laman ng supot ng frozen eggs sa merkado. Mabili ito lalo na sa mga panaderya.

"Hindi po namin sinasabi na lahat 'yan ay magkakaroon ng kontaminasyon, pero 'yung probabilidad at tska 'yung risk para kayo ay magkasakit dahil na-contaminate 'yung itlog through this freezing process, ay maaari pa hong maging harm kaysa maging good sa inyo," dagdag pa ni Vergeire.

"So iwasan po natin. Let us sell these fresh eggs para po 'yun pong kinakain ng ating mga kababayan ay maging healthy pa rin."

DA: Hanggang tatlong araw lang 'yan dapat

Tiniyak naman ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez na ligtas namang ikonsumo ang frozen eggs, ngunit dapat daw itong haluin at i-store nang maayos.

Hanggang tatlong araw lang din daw ito tumatagal.

"Wala namang problema [roon]. Kasi pagdating naman doon sa poultry, kapag may mga crack 'yung eggs... tutal babasagin din naman ang mga 'yan, doon na mismo hiniwalay at doon inilagay sa plastic bags 'yon na safe... malilinis," wika ni Estoperez.

Una nang nagbabala si Philippine Egg Board Association (PEBA) president Irwin Ambal sa mga consumers tungkol dito dahil hindi raw ito sumusunod sa industry standards.

BACTERIA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

EGGS

FROZEN

INFLATION

SALMONELLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with