^

Bansa

'Libreng libing' sa mga pamilyang P15,000 buwanang kita inihain sa Senado

Philstar.com
'Libreng libing' sa mga pamilyang P15,000 buwanang kita inihain sa Senado
Prison inmates carry coffins during a mass burial of 70 unclaimed bodies of prisoners at New Bilibid Prison Cemetery in Muntinlupa, metro Manila on December 2, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Mabigat para sa maraming pamilyang Pilipino ang mabuhay dahil sa kahirapan, pero mahirap din para sa kanila ang mamatay.

Ito ang gustong tugunan ngayon ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang Senate Bill 1695, bagay na layong magbigay ng libreng serbisyo ng pagpapalibing sa mga mahihirap na pamilyang nawawalan ng mahal sa buhay sa buong bansa.

"In the Philippines, funeral and burial services can range from P10,000 to hundreds of thousands of pesos," wika ni Tulfo sa explanatory note ng panukala niyang inihhain last week.

"As such, many poor families are not only wracked with grief but also deep financial stress that may even lead them to borrow funds from lenders with high-interest rates." 

Bagama't merong P10,000 halaga ng burial assistance ang Department of Social Welfare and Development, layon ng panukalang batas na i-"institutionalize" na ito para sa mga labis-labis na nagdarahop.

Kung maisasabatas, magiging kasama sa benepisyo ang:

  • paghahanda ng funeral documents
  • pagpapaembalsamo
  • burol
  • pagpapalibing
  • cremation

"Moreover, accredited mortuaries shall provide a casket or urn," wika pa ng senador.

Sino maaari mag-avail?

Ayon sa Section 4 ng SB 1695, saklaw ng makikinabang sa naturang benepisyo ang mga:

  • pamilyang may pinagsamang "gross income" na hindi lalagpas ng P15,000 kada buwan
  • hindi nagmamay-ari ng real property
  • walang sasakyan

Ang real property na tinutukoy dito ay yaong mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng pagbili.

"The said free services shall be given to only one (1) family member per month per mortuary branch," dagdag pa ng panukala.

"Provided, said funeral service does not exceed the cost of the mortuary's minimum funeral service package." 

Maaari pa rin naman daw mag-upgrade ng funeral services ang mga naturang pamilya, ngunit ang halaga nito ay iaawas na lang sa halaga ng minimum funeral service package.

Kung papasa sa Konggreso, tig-isang miyembro lang ng pamilya kada buwan ang maaaring mabigyan ng libreng serbisyo kada mortuary branch.

Ang mga puneraryang magbibigay ng free services sa extremely poor beneficiaries ay maaaring kumuha ng reimbursement para sa gastusin sa anumang regional office ng DSWD oras na maaprunbahan ito ng regional director.

Ngayong Enero lang nang ibalita ng Social Weather Stations na aabot sa 51% ng mga pamilyang Pilipino ang "mahirap" ang tingin sa sarili, ito kasabay ng pinakamatulin na pagtaas ng presyo ng bilihin sa mahigit 14 taon. — James Relativo

DEATH

FUNERAL

POVERTY

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with