Teenage pregnancy, bumaba ng 5.4%
MANILA, Philippines — Bumaba ang teenage pregnancy ng mga kabataang Pinay na edad 15-19 sa 5.4 percent noong 2022 mula sa 8.6 percent noong 2017.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 13.3 percent ang nagbuntis na edad 19, 5.9 percent ang 18-anyos, 5.6% nasa 17 years old at 1.7% ang 16 taong gulang habang 1.4% ang 15 years old.
May 0.4% naman ng mga teenage pregnant ang nakunan.
Samantala umaabot sa 6.1% ng teenage pregnancy ay mula sa rural areas at 4.8% sa urban areas.Naitala sa Northern Mindanao ang pinakamataas na bilang na 10.9%, sinundan ng Davao Region, 8.2%; Central Luzon, 8% at Caraga, 7.7%.
Ang Ilocos Region at Bicol Region ay kapwa nakapagtala ng mababa na 2.4%.
Mayorya ng Pinay teenager na nabuntis ay mula sa mahihirap o 10.3% habang 1.8% mula sa mayayaman.
Sa usapin ng educational attainment, mas marami ang teenage pregnancy sa mga nakapagtapos ng grade 1-6 (19.1%), grade 7-9 (5.3%), grade 11-12 (4.8%) at college level (1.9%).
Ayon sa PSA, ang tala ay mula sa 27,821 kababaihan na kanilang nakausap na edad 15-19 noong 2022.
- Latest