^

Bansa

DICT: Bentahan ng SIM card 'bagsak' dahil sa registration law

Philstar.com
DICT: Bentahan ng SIM card 'bagsak' dahil sa registration law
A vendor sells sim cards along the sidewalk of Balintawak Public Market in Quezon City on September 15, 2022.
STAR / Jesse Bustos, File

MANILA, Philippines — Tumumal ang bentahan ng mga SIM card sa Pilipinas pagkatpos isinabatas ang mandatory registration nito, bagay na ikinakabit ng gobyerno ngayon sa "takot" na nabuo sa mga sindikato at scammer na gumagamit ng mobile phones.

Ito ang ibinahagi ni Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy, Martes, sa isang press briefing ng Palasyo.

"On the commercial side, itong mga resellers, Since nag-announce tayo nito, bumagsak po ang bentahan nila ng SIM cards. Dahil dati, itong mga scammers, itong mga sindikato, bili nang bili ng SIM card. Tapon, SIM card, tapon," wika ni Uy.

"Ngayon alam nilang hindi nila magagawa 'yan, so bumagsak ngayon 'yung bentahan ng sim card which we actually anticipated... After all these registration, there will be much fewer sim cards that would be sold because there will be no more demand."

Sa kabila nito, walang binanggit na espisipikong datos ang Department Of Information And Communications Technology kung gaano karaming SIM card sales ang nawala buhat ng batas. Hindi rin totoo na wala nang spam texts na natatanggap ang mga tao.

Oktubre 2022 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na SIM card registration law, sa pangakong magagamit ito upang masukol ang mga krimeng ikinakasa gamit ang mga ito.

Sa kabila nito, ikinababahala nang maraming sektor ang mga isyu sa seguridad at paniniktik gamit ito dahil na rin sa mga personal na impormasyong hihingiin.

Nakaranas nang kaliwa't kanang aberya ang maagang pagpaparehistro ng mga SIM cards, bumigay kasi ang websites lalo na't sabay-sabay ang mga gusto mag-sign up.

"Most likely, karamihan siguro ng SIM cards binebenta sa airports dahil sa mga travelers, foreigners coming in that will buy their SIM cards," dagdag pa ni Uy.

"But in terms of the local population, the sales will be very, very small once this happens. Those are the things that we are studying and anticipating and preparing for."

Umabot na sa 20 milyong users ang nakakapagrehistro sa ngayon kahit wala pang isang buwan nang ilabas ang implementing rules and regulations nito.

Una nang sinabi ng DICT na made-deactivate ang mga SIM cards na kasalukuyang ginagamit kung hindi mairerehistro sa pagpasok ng ika-26 ng Abril.

Inirereklamo ngayon ng network ng digital advocates na Digital Pinoys ang deadline na ito lalo na't sa June 25 pa raw ito dapat. Sa ilalim kasi ng batas, 180 araw ang registration period na nagsimula lang daw sa effectivity ng batas noong December 27.

Nangangamba tuloy ang grupo kaugnay dito lalo na't marami pa rin ang hindi nakakapagparehistro dahil sa kahirapan sa internet atbp. problema. Gayunpaman, maaaring i-extend ang registration period ng 120 araw matapos ang 180-day period. — James Relativo

vuukle comment

CRIME

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY

MOBILE PHONES

PRIVACY

SCAMMERS

SIM CARD

SYNDICATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with