^

Bansa

11 top cops ‘di pa nagre-resign - Azurin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na makapagsusumite pa rin ng kanilang courtesy resignation ang 11 high-ranking officers na panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos upang masawata ang illegal drug trade.

Ayon kay Azurin, ang 11 opisyal ay kinabibilangan ng walong colonel at tatlong heneral.

“Itong 3 heneral at 8 colonel na ito, actually 7 ‘yon na magre-retire. So siguro they are still trying to discern na magsa-submit pa ba ako eh aabutan naman ako ng retirement,” ani Azurin.

Sinabi ni Azurin na mas mabuti pang magsumite ng courtesy resignation ang mga opisyal upang mas magandang malinis ang kanilang pangalan kahit pa retirado na sila.

Tiniyak din ni Azurin na hindi pa rin ligtas ang 11 PNP officers sa imbestigasyon kahit retirado na.

Aniya, PNP na ang mag-aaral kung may mga indicator na ang mga ito ay nasangkot sa illegal drug activities habang sila ay nasa puwesto bilang third-level officers.

Sa katunayan aniya, maging ang mga opisyal ng PNP na magreretiro na ay sumasailalim din sa evaluation bago matanggap ang kanilang benepisyo at pensyon.

“Kapag sila’y nakasuhan and nagkaroon ng evidence na sila’y involved then, the court will have the power to hold iyong mga pension nila at benefits nila,” dagdag pa ni Azurin.

Patuloy na binubusisi ng binuong five-member pa­nel kabilang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga opisyal ng PNP na nagpasa ng kani-kanilang courtesy resignation sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa ngayon, nasa 942 third level officers ang nagsumite ng courtesy resignation mula sa 953 PNP officers.

JR.

RODOLFO AZURIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with