Sinalanta ng buhawi sa Iloilo, ibinangon ni Bong Go
MANILA, Philippines — Matapos makiisa sa pagdiriwang ng Dinagyang sa Iloilo City, bumisita si Senator Christopher “Bong” Go at ang kanyang koponan sa bayan ng Oton sa lalawigan ng Iloilo para magbigay ng tulong sa mga biktima ng buhawi.
“Kung ano man pong tulong ang maaari kong mabigay, nandito lang ako at tutulong ako sa inyo sa abot ng aking makakaya,” paniniyak ni Go.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapalawak at pagpapabuti ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan upang matiyak na ang karamihan sa mga marginalized sector ay madaling makalapit sa mga serbisyong medikal na kailangan nila.
Sinabi ni Go na ang mga programa sa tulong medikal ay madali na ngayong ma-access sa pamamagitan ng apat na Malasakit Centers sa lalawigan, na matatagpuan sa Western Visayas Medical Center at West Visayas State University Medical Center, parehong sa Iloilo City; Don Jose D. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo; at Western Visayas Sanitarium and General Hospital sa Sta. Barbara.
“Kung mayroon kayong mga pasyente na kailangan ng tulong, mayroon tayong 154 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa inyo,” ani Go.
Ibinahagi ni Go na nagsimula ang programa ng Malasakit Centers nang masaksihan niya ang paghihirap ng mga pamilyang kulang sa pananalapi sa paghingi ng tulong medikal. Ito ang nag-udyok sa kanya na simulan ang nasabing programa at kalaunan ay pangunahing nag-akda at nag-sponsor ng Republic Act No. 11463, na nag-institutionalize sa programa.
Idinaos sa Oton National High School covered court, si Go at ang kanyang team ay nagbigay ng tulong sa 248 pamilya na biktima ng buhawi na humampas sa Iloilo City at Oton noong Enero 3. Maraming tahanan sa lugar ang nawasak.
Muling idiniin ni Go ang pangangailangang maisabatas ang kanyang priority measures, ang Senate Bill No. 188 na magtatatag ng Department of Disaster Resilience.
Sinabi ni Go na ang paglikha ng DDR ay magtitiyak ng mas maagap na diskarte sa mga natural na kalamidad. Kung maipapasa ang kanyang panukala, SBN 193, magkakaroon na ng evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong bansa at magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa lahat ng evacuees.
- Latest