^

Bansa

Mga bagong botante, nasa 1.1 milyon na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga bagong botante, nasa 1.1 milyon na
Voters patiently wait in line as they camp as early as midnight on the long queue for the last day of the voters’ registration at the local Commission on Elections (Comelec) office in Arroceros, Manila on July 23, 2022.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s re­gistration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naitala ang naturang datos simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan ang voter registration.

Sa naturang bilang, tinatayang nasa 7,000 voter registration applications ang naiproseso sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP), habang ang iba pa ang nagpatala naman sa ilalim ng regular na rehistruhan.

May inisyal na target ang Comelec na 1.5 mil­yon na magpaparehistro at madaragdag sa kabuuang bilang ng mga botante.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni Garcia ang publiko na samantalahin ang mga natitira pang araw ng voter registration upang makapagparehistro at makaboto sa nalalapit na eleksiyon.

Ang regular na voter registration ay nakatakdang magtapos sa Enero 31 habang ang RAP naman ay sa Enero 25, 2023.

COMELEC

VOTER REGISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with