^

Bansa

Patay sa 'LPA floods' umabot sa 33 sa buong bansa; 1.6-M katao nasalanta

James Relativo - Philstar.com
Patay sa 'LPA floods' umabot sa 33 sa buong bansa; 1.6-M katao nasalanta
This handout photo taken and released by the Philippine Coast Guard on January 11, 2023 shows rescue workers evacuating children from a flooded area in Zamboanga. At least 11 people have died in storms across the Philippines in the past week, with more heavy rain expected in already sodden regions of the disaster-prone country, authorities said on January 10.
AFP/Handout/Philippine Coast Guard (PCG)

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1.67 milyong katao ang naapektuhan ng umiiral na low pressure areas, shear line at Hanging Amihan sa buong Pilipinas simula ika-2 ng Enero — bagay na pumatay na sa 33 katao.

Ayon sa huling taya ng Office of Civil Defense, Huwebes, umabot na sa 412,339 pamilya ang nasalanta ng mga naturang weather systems. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • patay (33)
  • sugatan (12)
  • nawawala (7)
  • lumikas (266,349)

Miyerkules lang nang sabihin ng PAGASA na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang shear line sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Albay ngayong araw.

Samantala, mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan ang Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Northern Samar at nalalabing bahagi ng Bikol. 

Agri damages umabot ng P414.34-M halaga

Pumalo naman na sa P414.34 milyong halaga ng pinsala ang naitatamo ng masungit na panahon sa sektor ng agrikultura.

Umabot naman na sa P206.95 milyong halaga ang damages sa infrastructure. Bukod pa riyan, sumampa na sa 1,672 kabahayn ang napinsala. 

Inilagay na sa state of calamity ang dalawang probinsya at 14 lungsod/munisipalidad, dahilan para magpatupad doon ng automatic prize freeze sa mga basic necessities.

Nakapagbigay na tuloy ng nasa P86.82 milyon na ang naibibigay na ayuda sa mga apektadong populasyon.

Nagpapatuloy pa naman hanggang sa ngayon ang pagtatalaga ng search and rescue teams hanggang sa ngayon. 

AGRICULTURE

CASUALTY

INFRASTRUCTURE

LOW PRESSURE AREA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with