^

Bansa

Gusot sa AFP, inamin ni Galvez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Gusot sa AFP, inamin ni Galvez
File photo of Defense Secretary Carlito Galvez Jr.
OPAPP / Released, file

MANILA, Philippines — Inamin ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na may “rumblings” o gusot sa military ranks sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa Republic Act 11709 na nagbibigay ng tatlong taong fixed term para sa mga mataas na opisyal kabilang ang chief of staff.

Sa kabila nito, tiniyak ni Galvez sa pagdinig ng Senate committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, na aayusin nila ang sigalot bago matapos ang unang quarter ng kasalukuyang taon.

“Yes, kasi sir ‘yung effects sir, ‘yung unintended consequences po ng ating retirement law talagang it gravely affected the morale,” ito ang sagot ni Galvez sa tanong ni Senador Jinggoy Estrada, chairman ng komite.

Paliwanag pa niya na personal niyang hiniling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng appointment bago ito tumulak patungong Davos, Switzerland para sa World Economic Forum.

“Nung pumunta siya po sa Davos, nag-report siya ‘Charlie, I already signed everything and my promise to you that I will sign during Saturday and Sunday nag-comply ako sa’yo,” sabi ng DND chief.

Sabi pa ni Galvez, naantala ang mga appointment dahil sa election ban at ang transisyon ng administrasyong Duterte sa Marcos administration.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with