^

Bansa

Gobyerno inaasahan P100/kilong sibuyas 'pagdating ng imports'

James Relativo - Philstar.com
Gobyerno inaasahan P100/kilong sibuyas 'pagdating ng imports'
A man buys onions at a market in Manila on January 11, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na bubulusok pababa ang presyo ng sibuyas ngayong nakatakdang dumating ang mga iaangkat ng gobyerno mula ibang bansa — umaabot kasi ito sa halos P600/kilo habang "may problema sa suplay."

Martes nang isapubliko ang utos ng DA — na pinamumunuan ni Marcos Jr. — na maglabas ng import clearances para sa 21,060 metrikong toneladang sibuyas, bagay na dapat dumating na raw bago ang ika-27 ng Enero.

"We are looking at the P100-150 (per kilo) cap," wika ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez, Huwebes, sa panayam ng CNN Philippines.

"These are estimates only because we have to get first the final price of the importers and the second is that we have to consider also the cost of production of our farmer."

Disyembre lang nang sumirit pa ang presyo ng sibuyas sa P720/kilo, na nasabay sa 8.1% inflation rate noong buwan na 'yon. Ang mga ibinebentang sibuyas sa bansa ang sinasabing pinakamahal sa buong mundo.

Ani Estoperez, hindi pwedeng dumating ang imported onions nang lagpas sa itinakdang panahon upang "maprotektahan" ang mga lokal na magsasaka. Inaasahan daw kasi ng gobyernong magpi-peak ang anihan sa panahong iyon.

'Wrong timing kayo'

Una nang sinabi ni ACT Teachers Rep. France Castro at ng Samahang Industriya ng Agrikultura na "wrong timing" ang importasyon lalo na't Enero hanggang Marso madalas ang harvesting period sa Pilipinas. Maganda raw sanang ginawa ito noong patapos ang 2022 habang 2% pa lang ang nag-aani.

Aniya, paliliitin daw ng imports ang kita ng mga magsasaka lalo na't inaasahang bababa ang mga presyo kapag nagsimula nang mag-ani.

"Kung bumaba yan ng ?40 farmgate price, lugi na ang magsasaka. Yung ?40 is around, per hectare mga ?400,000 ang makukuha lang nila pero ang puhunan umaabot ng ?650,000 per hectare so malulugi ang magsasaka," ani Rosendo So, presidente ng SINAG, sa hiwalay na panayam.

Tiniyak naman ni Estoperez na "calibrated" ang importation pagdating sa panahon at dami nito, sapat para masabi ng DA na "hindi ito makaaapekto" sa local harvest.

Mga magsasaka duda

Muling idiniin ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na aaray lang ang farmers at consumers sa planong importasyon lalo na't "mga importer, trader at smugglers" lang daw ang makikinabang dito.

"Importing in the middle of the harvest season is the height of callousness and inultility. Walang suplay shortage sa sibuyas," tugon ni KMP chairperson emeritus Rafael Mariano.

"Hindi importasyon ang solusyon at lalong hindi awtomatikong bababa ang presyo ng sibuyas sa mga palengke pagdating ng imports."

Una na silang sinabing absurdo na nangyayari itong lahat lalo na't bagsak-presyo ang sibuyas, nabubulok at itinatapon dahil hindi mabenta sa dami noong 2021 hanggang maagang yugto ng 2022.

Tinatawagan nila Mariano ang DA at Department of Trade and Industry na mahigpit na ipatupad ang Price Control Act dulot ng mataas na presyo ng bilihin, ito habang nangangako ng malalaking protesta pababain si Marcos Jr. sa pwesto bilang DA secretary.

ACT TEACHERS PARTY-LIST

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IMPORTATION

INFLATION

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

ONION

SAMAHANG INDUSTRIYA NG AGRIKULTURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with