^

Bansa

Galvez sa DND officials: ‘Manatili sa puwesto’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Galvez sa DND officials: �Manatili sa puwesto�
Newly-appointed Secretary Carlito Galvez presides over a meeting at the Department of National Defense.
Release / Department of National Defense

‘Stay in place.’

MANILA, Philippines — Ito ang panawagan ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga key officials ng Department of National Defense (DND)  kasunod ng ulat na mayroong pito hanggang siyam na opisyal ng ahensya ang nagbitiw sa puwesto.

Ibinigay ni Galvez ang kautusan sa mga miyembro ng Executive Committee at mga pinuno ng DND bureaus.

“A formal report was presented to the SND-designate, the focus of which was to present the way forward of the Department and the 10-point agenda initiated by outgoing OIC, DND Ge­neral Jose C. Faustino Jr.,” ayon sa DND.

Nakipagkita rin si Galvez sa mga senior official ng DND at pinuno ng mga kawanihan nito kabilang na ang mga miyembro ng DND Executive Committee.

Pananatilihin ang mga nagawa ng mga naging kalihim ng DND at palalakasin pa ang kaka­yanang ipagtanggol ang bansa.

Tiniyak ni Galvez na mataas pa rin ang morale ng mga tauhan ng DND at mananaig ang  professionalism sa Armed Forces of the Philippines upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan.

Matatandaan na nitong Lunes, Enero 9 ay nanumpa si Galvez bilang Kalihim ng DND kasunod ng pagbibitiw ni Faustino bilang officer-in-charge.

Ayon sa DND, nagkausap ng pribado sina Galvez at Faustino kung saan inilahad ng huli ang ilang accomplishment ng DND at ilang rekomendasyon  para sa tuluy-tuloy na programa ng DND.

vuukle comment

DND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with