^

Bansa

Faustino, nagbitiw dahil sa appointment ni Centino

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Faustino, nagbitiw dahil sa appointment ni Centino
Dating Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr.
Philippine Army website

MANILA, Philippines — Tila may bahid hinanakit si dating Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr., nang magbitiw ito sa puwesto  nitong Martes nang malamang ibinalik bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si Gen. Andres Centino.

Sa kanyang statement, sinabi ni Faustino

na nalaman niya nitong nakaraang Linggo sa social media ang panunumpa ni Centino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“With the utmost respect, I submitted my irrevocable letter of resignation to the President, His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr., on Friday, January 6, 2023, after learning only from news and social media reports that an oath of office of the new Chief of Staff, AFP had taken place at Malacañang,” ani Faustino.

Itinalaga ni Marcos si Centino kapalit ni Lieutenant General Bartolome Bacarro na limang buwan na lamang sa serbisyo.

Ayon kay Faustino, hindi niya papayagang mabahiran ang reputasyon ng AFP at magamit sa pamumulitika.

Mataas ang kanyang respeto sa organisasyon kaya minabuti niyang magsakripisyo at magbitiw.

Hangad niya umano ang tagumpay at pagkakaisa at buo pa rin ang kanyang suporta kay Pangulong Marcos. Masaya anya siyang nagsilbi sa DND bagaman OIC lamang.

Pumalit naman kay Faustino bilang DND Secretary si dating Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.

Samantala, sinabi naman ni DND spokesperson Arsenio Andolong na nagkausap na sina Faustino  at Pangulong Marcos nang isumite nito (Faustino) ang kanyang  resignation. Nilinaw din ni Andolong na walang “mass resignation” sa DND

Aniya, ang lahat ng co-terminous appointees ay dapat na maghain ng kanilang courtesy resignation sa pagpapalit ng liderato.

Kasabay nito, sinabi ni Faustino na hindi bababa sa pito hanggang siyam pang opisyal ng DND ang nagbitiw din.

 

 

vuukle comment

JOSE FAUSTINO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with